Continuity

BIGKIS will win again! Continuity! Greater heights! We are the leaders of the UPM students.”

– Anonymous

Minsan lang madulas ang panig ng mga kontra-estudyanteng estudyante (2007, Napapanahon na ang Tuition Fee Increase) at isa na ito sa mga panahon na iyon.

Accidental man o hindi ang paggamit ng salitang continuity, sapul na sapul nito ang esensya ng programa, panunungkulan, at ideolohiya ng mga grupong “Anti-Red” sa mga pamantasan sa Pilipinas.

2006 ang simula ng dominasyon ng “Anti-Red” na panig sa mga central student councils ng UP Diliman at Manila. Sa taon rin na ito naapruba ang pagbayad ng mga estudyante doon ng 300% na dagdag sa matrikula. Sa mga sumunod na taon rin sumulpot ang mga malalaking kaso ng pang-aabuso ng UP Administration tulad ng tangkang pag-sara sa UP High School sa UP Cebu, open martial law sa UPLB, pakikialam sa directorship ng UPM PGH, panukalang kontra-estudyanteng student code sa UPD, etc.

Marahil sasabihin nila na iniiba ko ang konteksto ng paggamit sa salitang continuity: para sa kanila, pagpapatuloy ng kanilang panunungkulan. Pero wala naman akong sinabing mali: dahil ang pagpapatuloy ng kanilang tipo ng leadership ay patuloy na pagpayag sa mga maling patakaran ng UP Administration.

Noong bumaliktad ang ilang mga lider ng “Anti-Red” na paksyon sa UP ilang taon ang nakaraan, nilantad nila ang isang nakakatawang polisiya ng kanilang dating organisasyon: kung ano daw ang posisyon ng pula sa isang isyu, ang kabaliktaran ang kukunin nila. Minsan rin lang natin marinig ang ganitong ka-prangkang pahayag.

Pero kahit hindi pa sila umamin, ganito rin ang konklusyon na aabutin kung mabuting aaralin ang kanilang mga pahayag at paniniwala. Isang ehemplo ang Tuition Fee Increase. Marami sa kanila ang nagtanggol sa pagtaas ng matrikula kapalit ng sistemang STFAP dahil daw “wala ng magagawa” hinggil sa tuition fee increase. Dito makikita ang pagka-tuso ng mga ito: imbes na udyukin ang mga estudyante na gayahin ang PUP-Sta. Mesa kung saan napigil ang pagtaas ng matrikula dahil sa mga malalaking walkout, tinaas agad nila ang puting bandila. Kitang-kita rin ang kakulangan nila ng pagsusuri sa mga isyu: argumento nila ang “mabuti na ang mayroong kaunti” (tumutukoy sa pagkakaroon ng STFAP para mabawasan epekto ng TOFI) kesa “totally wala”. Pero nakalimutan ata nilang banggitin na ang hayag na polisiya ng gobyerno ay ang gawing self-sufficient ang mga pamantasan, o hindi na tumatanggap ng budget mula sa gobyerno.

Patuloy na bulok na kalagayan ng mga pamantasan sa Pilipinas, yan ang depenisyon ng continuity.

Pero may mas mabigat pang kahulugan: ang patuloy na pagkabulok ng lipunang Pilpino.

Sa dami ng mga pinagmamasdan kong mga student council elections, kapansin-pansin ang isang palagiang tema ng kampanya ng kabilang panig: ang pag-hihiwalay nila mula sa mga pula, ang pag-tapak sa kanila bilang tuntungan, o sa madaling salita, ang pagiging anti-Red.

Ano ang retorika ng anti-Red? Laos na ang pakikibaka, mapayapang makipag-tulungan sa nasa kapangyarihan, may mga bagay na hindi na mababago at kailangan nalang tanggapin, ang pakikibaka ay magulo, masama ang mga nanggugulo. Pamilyar ba mga ito? Dapat. Dahil ito ang laman ng araw-araw na mga pahayag ng mga institusyon tulad ng Armed Forces of the Philippines at Office of the Press Secretary. At angkop ang ipaghambing ang dalawa: wala na sigurong tao sa Pilipinas ang simbolo ng continuity kundi ang sampung taon ng pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Tanungin natin yung mga anti-Red: ano ba ang karapat-dapat tutulan sa mga pula? Ang pakikibaka? Hindi ba sila ang nagsumikap magpatalsik kay Marcos kahit sa unang araw palang ng batas militar, at hindi lang noong Edsa? Hindi ba sila ang nanguna sa panawagang Patalsikin si Erap kahit na uso noon ang pagsabing laos na ang aktibismo? Hindirin ba sila ang tumututol kay Gloria kahit sa mga taong 2006 at 2007 kung saan pinapatay kaliwa’t-kanan ang mga kalaban niya? Pero kung tutuusin, hindi ko pa naririnig ang kabila na kondenahin si Arroyo, pwera nalang kung kasama sila sa isang student council na may mga pula.

Sa mas lokal na antas: hindi ba sila ang nagbabala na magtataas ang matrikula noong panahong sinasabi ng kabila na malabo itong mangyari?

Malubha ang selective amnesia ng kabila: lumaban, at patuloy na lumalaban, ang mga pula sa mga panahon na alam ng mga tao na kailangang lumaban pero natatakot sila. Sa kabilang panig, aktibo pa ngang nakikipag-sabwatan sila sa nasa kapangyarihan. Totoo nga: wala ng pwedeng gumamit pa ng salitang continuity kundi sila.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to Continuity

  1. Maladroit says:

    Dapat gawing national election issue tong TOFI na ginawa nilang eto.
    At yes, ‘Junk TOFI’ pa rin…

    • radulce says:

      Dapat nga naman na gawing national issue ang Tuition and Other Fee Increases. Dahil hindi lamang sa UP nagaganap ito. Mukhang nagkakatotoo na ang kinakatakutan na ang UP TOFI ay testing ground. May attempts na rin magtaas sa iba pang mga malalaking state universities tulad ng PUP at EARIST.

      Dapat ngang samantalahin ang pagkakaroon ng national elections this year: instead of the usual rhetoric ng mga candidates, sino sa kanila ang susuporta sa 3-year tuition hike moratorium bill ni bayan muna rep. teddy casino? sino sa kanila ang susunod sa sinasabi ng United Nations na ang educ. budget ay dapat at least 6% ng GDP?

  2. fjordz says:

    lalong nagiging pasibo na lang talaga ang mga Pilipino ngayon. ewan ko ba, parang tinatanggap na lang nila na ganito na ang bansa at wala nang dapat pang gawin kundi ang tanggapin ito. Tsk tsk!

    Kaya marami ang galit sa mga nagrarally at mga aktibista. Kasi ang iniisip ng mga tao, pampagulo lang sila sa sistema. Hindi nila alam, sinusubukan ng mga ito na ayusin ang matagal nang magulong sistema na tila pinaniniwalaan na ng marami na siyang tunay na sistema.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s