Dear Des

May narinig ako na sinabi mo daw. Nalulungkot akong marinig yun. Pero hindi kita masisisi. Maraming mga circumstances, impluwensya, at dahilan bakit mo naisip yun. Ang mahihingi ko nalang ay makinig at tanggapin ang aking sasabihin ng may bukas na isipan.

Ang sabi mo, hindi ka na naniniwala.

Maganda sigurong tanungin mo ang bawat estudyante ng Polytechnic University of the Philippines, lalo na yung mga freshies ngayon. Tanungin mo sa kanila kung wala ba talagang nagagawa ang ‘sama-sama’ at ‘militante’ na pagkilos. Sila kasi yung batch na dapat magbabayad ng tuition na piñatas ng 2000%, at dapat hindi papayagang mag-enroll sa mga kurso na P12 kada yunit pa rin ang matrikula. Alam naman natin lahat bakit hindi nila naranasan yun: dahil nag-aklas (literal na nag-aklas!) ang mga mas matandang estudyante ng PUP nung Marso.

Mass movement yan, Des.

O kaya naman yung mga magbubukid sa Hacienda Luisita. Mula 2007, kumikita sila ng sapat para sa mga pangangailangan nila ng hindi nababaon sa utang. Kahit na on strike pa rin sila, nagagawa nila ito. Dahil sama-sama nilang mapayapang inagaw yung parte ng Hacienda at tinaniman ng palay at mga gulay, hindi na sila nakaasa sa mga Cojuangco sa ikabubuhay nila. Yung pag-welga, pagtanggol sa picketline, at pag-agaw sa lupa…

Mass movement lahat iyon, Des.

May kasabihan sa Tsina: ang palaka na nakatira sa ilalim ng balon, inaakala na ang bunganga ng balon ang buong kalangitan. Huwag tayong ganun. Tignan muna natin ang kabuuan ng sitwasyon bago natin husgahan ang mga bagay-bagay.

Marahil ay lagi mong naririnig yung argumentong ‘ilang taon na yan, wala pa rin nangyayari’. Pero sandal lang. Hindi ba’t sa matagal na panahon, ang mayorya ng mga kabataan ay walang paki, o tinatamad sumama? Kahit sa mga rali na ilang libo, hindi ba’t milyon-milyon naman ang mga kabataan sa buong bansa? Kung tutuusin, mayorya naman ng mga kabataan ay walang kibo at di-lumalahok. Kaya maling sabihin na ‘ilang taon na sila rally ng rally, wala namang napapala’.

Mas tama ang sabihing ‘ilang taon na kayong walang paki-alam, wala namang napapala’. Dahil yun ang dominant sa lipunan natin. Ang mass movement ay hindi pa nasa mayorya. Pero kahit sa ganitong lagay, may ilan pa rin naman tayong mga tagumpay.

Siguro, disappointed ka sa ilang buwan mo dahil parang wala namang nangyayari at walang napapala. Pero tandaan mo, kung ang bato, kahit gaano katagal mo pakuluan yan, hindi yan magiging nilagang itlog. Kailangan itlog ang pakuluan mo. Ganun rin sa ating mga tao yan. Kahit gaano ka-tama yung pinaglalaban natin, kung hindi naman tayo lumalaban, walang magaganap. Kailangan lumaban muna tayo.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

7 Responses to Dear Des

  1. Leon says:

    Ano ba, Des. Kung ang demokrasya ay isang business, malulugi ka in the long run. . Yung rekursong nilalaan sa mass movement, yan ang investment sa demokrasya.

  2. Tine says:

    “Pero tandaan mo, kung ang bato, kahit gaano katagal mo pakuluan yan, hindi yan magiging nilagang itlog. Kailangan itlog ang pakuluan mo. Ganun rin sa ating mga tao yan. Kahit gaano ka-tama yung pinaglalaban natin, kung hindi naman tayo lumalaban, walang magaganap. Kailangan lumaban muna tayo.”

    Ayos…

  3. Mariel says:

    Salamat po. 🙂

  4. “Mas tama ang sabihing ‘ilang taon na kayong walang paki-alam, wala namang napapala’. ”

    Isa pang magandang sagot sa nagtanong sa akin kanina kung bakit ba ako magaabsent para sa SONA rally sa Lunes. 🙂

  5. Des says:

    Oo nga. Tama ka at mali ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s