God knows Hudas supports Budget Cuts

Habang naghahanda ang libo-libong mga estudyante, guro, at kawani para sa mga ngayo’y-makasaysayang campus strikes laban sa pagkaltas sa badyet ng mga State Universities at Colleges (SUCs), iba ang tinig ng mga ilang grupo sa iilang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas. “Alyansa”, “Bigkis”, at “Buklod”: maraming silang mga pagkakapareho. Lahat sila’y mga partido na lumalahok sa halalan ng konseho ng mag-aaral, lahat sila’y dinadala ang kulay asul, at sa halos buong buwan ng Nobyembre, walang marinig na pahayag mula sa kanila hinggil sa budget cut.

Iba ang kampanya ng mga nasabing grupo: nananawagan sila ng ‘academic excellence’ sa mga lider-estudyante. Ang Alyansa, may direkta pang panawagan na pinagbibitiw ang pangulo ng University Student Council ng UP Diliman dahil umano sa ‘academic delinquency’. Binabanggit nila na ayon sa batas ng halalang pang-konseho, bawal tumakbo ang mga nasabing ‘delingkwente’. Ang sagot naman sa kanila, hindi na kandidato ang pangulo, kundi opisyal na. Kaya sa  Saligang Batas na ng konseho siya nakapailalim.

Kailan unang umimik ang mga nasabing grupo hinggil sa isyu ng budget cuts? Sa tanghali ng Nob. 25, sa tanghali ng unang araw na mismo ng strike sa UP, habang nakatipon na ang libo-libong mga estudyante at guro sa UP Diliman at UP Manila. At tanging sa Facebook lang! Labas sa kanilang mga miyembro na nakaupo sa ilang mga konseho ng mag-aaral sa Diliman, walang presensya ang kanilang mga partido sa buong strike nung 25 at 26.

Hindi mo talaga maaasahan ang suporta ng mga ‘asul’ sa nasabing isyu: matagal ng may negatibong kasaysayan ang mga nasabing partido hinggil sa mga isyu ng edukasyon. Para sa hindi na naabutan ang taong 2006 sa UP, naglabas ang Alyansa ng pahayag nung Disyembre 8 na nagsasabing napapanahon na ang pagtaas. Inulit ito ng kanilang kandidato sa pagka-pangulo ng konseho ng UPD nung sumunod na eleksyon sa isang interbyu sa Phil. Collegian. Ani niya, inaamin naming napapanahon ang pagtaas ng matrikula.

Ang mga nasabing partido ay kaanib rin ng Akbayan, isang pseudo-progressive na organisasyon na itinuturing ang sarili bilang ‘junior partner’ ng bagong rehimeng Aquino. Apat sa kanilang mga lider ay may mga posisyon sa gobyerno: ang kanilang taga-pangulo na si Joel Rocamorra ay taga-pangulo ng Nat’l Anti-Poverty Commission; ang kanilang presidente na si Ronald Llamas ay miyembro ng board ng Dev’t Bank of the Phils., habang ang mga dating representante nila sa Kamara na sila Etta Rosales at Mario Aguja ay nasa Commission on Human Rights at GSIS. Samantala, ang kanilang natalong senatoriable na si Risa Hontiveros ay pinangakuan rin daw ng isang antas-Gabinete na posisyon sa susunod na taon.

Higit pa sa pagkakaroon ng mabigat na ‘utang ng loob’ sa rehimen ang dahilan na sa kanilang pananabotahe sa kampanyang kontra-budget cut, ang kampanya na matagumpay na nagbagsak sa ‘ilusyon ng pagbabago’ sa ilalim ni Noynoy para sa marami. Sa totoo lang, nakasugal ang buong kredibilidad ng kanilang organisasyon sa kredibilidad ng rehimeng Aquino. Sinuportahan nila si Mar Roxas, at pagkatapos ay si Noynoy, bilang mga kandidato ng pagbabago. Ngunit nailantad ng kampanyang kontra-budget cut na kung may pagbabago man na nagaganap sa ilalim ni Noynoy, ito ay pagpapalala ng sitwasyon imbes na pagpapabuti!

Kaya ibang kampanya ang isinulong ng mga nasabing partido sa halos buong Nobyembre: hindi nila maaaring birahin ang rehimeng Aquino bilang pampulitikal na  padron nila at bilang simbolo ng ipinangako nilang pagbabago. Tusong-tuso, ang kanilang kampanya ay kalkulado para atakehin ang kredibilidad at mismong posisyon ng mga nangungunang lider ng kampanyang kontra-budget cut. Pero nung nakita nilang bigo ang kanilang kampanya ng panghahati, bigla silang bumaliktad! Kelan unang nagpahayag ang mga nasabing partido hinggil sa mga ‘strike’? Tulad ng nabanggit kanina, nagsalita lamang ang Alyansa nung tanghali ng unang araw ng strike. Sa UP Manila, wala pa rin pahayag ang Bigkis. Ganun rin ang Buklod sa UPLB.

Nung digmaang sibil sa Espanya nung 1936-1939, sinabi ng pasistang heneral na si Emilio Mola: May lima akong kolum na nagmamartsa papuntang Madrid, habang may ika-lima na magmumula sa Madrid mismo. Dito nagmula ang terminong fifth column, na tumutukoy sa mga indibidwal/grupo na nangwawasak sa pagkakaisa ng iba pang grupo mula sa loob nila. Malinaw na ang mga ‘asul’ na partido ang fifth column sa kasalukuyang kampanyang kontra-budget cut.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to God knows Hudas supports Budget Cuts

  1. Pingback: Tweets that mention God knows Hudas supports Budget Cuts « -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s