Happy Birthday, TOFI

Batiin natin ang 300% Tuition and Other Fee Increase (TOFI) ng Unibersidad ng Pilipinas! Ika-apat na kaarawan na nito ngayong araw. Noong nakaraang Mayo nagtapos ang pinaka-huling batch na nagbabayad ng lumang matrikula ng P300 kada yunit. Sa loob ng ilang buwan, magtatapos na rin ang unang batch na nagbayad ng P1000 kada yunit. Ganitong kaaga palang, marami sa lumahok sa protesta nung ipinasa ang TOFI ang pumapasyal down Memory Lane sa Facebook.

 

Para sa akin, ang paglalakad sa kalahati ng Acad Oval (mula College of Law papuntang AS papuntang Quezon Hall) pagkatapos maipasa ang TOFI ay parang pinaka-mahabang lakad sa buong buhay aktibista ko dahil sa bigat ng aming pakiramdam. Marami sa amin ang nag-iwan ng trail of tears sa martsa. Marami rin ang gustong magwala at mangwasak ng kahit anong bagay o gamit na parang simbolo ng administrasyon. May iba pa nga na handa ng magtayo ng kampuhan sa mismong Quezon Hall at okupahan ang nasabing gusali.

 

Kahit anong pagkutkot sa aking utak ang aking gawin, wala akong maalala na presensya ng Akbayan sa protesta nung araw na iyon. Wala sila sa mismong barikada sa Quezon Hall kung saan hinamon ng pangulo ng USC noon ang Board of Regents na ilunsad ang pulong nila sa harap ng mga estudyante, guro, at kawani. Wala sila nung pinalibutan ng mga estudyante ng UPLB ang College of Law para kumprontahin ang BOR (na palihim na tumakas gamit ang tambakan ng basura ng kolehiyong yun). At wala sila nung umikot kami pabalik ng Quezon Hall at parang ipo-ipo na nahigop lahat ng estudyanteng nadaanan naming.

 

May mga ilang aral ang Dec. 15, 2006 na nananatiling makatotohanan hanggang ngayon: Una, hindi makakaasa ang kabataang Pilipino na igagarantiya ang kanilang karapatan sa edukasyon ng gobyerno sa kasalukuyang panlipunang sistema. Bago ipatupad ang TOFI, kinaltasan ang badyet ng Pamantasan ng mahigit P300 milyon. Ngayon, sa unang taon ni Noynoy, kinaltasan muli ang UP ng P1.39 bilyon.

 

Pangalawa, mas lalong hindi makakaasa ang mga kabataan sa kahit anong suporta mula sa mga organisasyong nagpapanggap na progresibo tulad ng Akbayan. Noong araw na iyon, tahasan nilang ipinanawagan na wag ibandila ang islogan na “Junk TOFI” at bagkos ay “pag-usapan” ang maaaring mga ‘reporma’ para daw umayos ang epekto ng dagdag-matrikula. Ang kanilang pangako: kapag nagtaas ng matrikula ang mga mayayamang estudyante, makakapasok naman ang mga mahirap. Apat na taon pagkatapos ng kanilang pangako, sa bawat isandaang estudyanteng nagbabayad ng bagong matrikula, halos isa lang ang nakakatamasa ng libreng tuition.

 

Pangatlo, tanging ang sama-samang pagkilos ng mga kabataan at estudyante ang makakapigil sa kahit anong atake sa mga karapatan, hindi lamang ng kabataan kundi ng mamamayan. Bagama’t naipasa ang TOFI, ang rali ng libo-libo ang nagtulak sa UP Administration na umastang parang magnanakaw at gawin ng patago ang pagtataas ng matrikula. Ang mga ‘strike’ naman ngayon ng libo-libo rin ay nagdulot ng pagbabawas sa halagang kinaltas sa badyet sa edukasyon.

 

Sa puntong ito, naaalala ko ang kantang “Closing Time” ng bandang Semisonic. Ani nila, “Every new beginning comes from some other beginning’s end”. Ang muling pagkabuhay ng diwa ng protesta sa UP ay hindi nangangahulugan ng agarang katapusan ng TOFI, pero ito ang “some other beginning’s end” na naghuhudyat ng muling pag-diskubre ng kabataan kung ano ba ang kailangang gawin para makamit ang tunay na pagbabago.

 

O ika nga ng 15-taong gulang na estudyanteng Inggles sa isang kumakalat na Youtube video, “We are no longer the post-ideological generation. We are no longer the generation that doesn’t care. We are no longer the generation that sits back and take whatever they give us. We are now the generation at the heart of ‘Fight back’. We are now the generation that will stand with everyone who’s fighting back

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s