Hopeless?

IF VILLAR WINS w NPA SATUR & MAZA n Senate & BAYANMUNA, GABRIELA, ANAKPAWIS, KABATAAN, KATRIBU, AKAPBATA & ACT n Congress means more killings.

Natanggap ko itong text na ito nung April 1, mula sa numerong +639208309083. At may mga iba pa akong kakilala na nakatanggap ng ganito. Ilang araw pagkatapos, may isang miyembro ng KABATAAN Online Team ang nakatanggap sa kanyang cellphone ng isang banta dahil daw komunista siya. Tinangkang patayin ang isang lokal na kandidato ng MAKABAYAN (Makabayang Koalisyon ng Mamamayan) sa Nueva Ecija. Binomba ang bahay ng isa pang opisyal ng MAKABAYAN sa Aklan. At ang pinaka-bago, ang kalaban ni Gloria Arroyo sa pagiging kongresista ng ika-2 distrito ng Pampanga ay binantaan ng buhay dahil sa pagtanggap niya ng suporta kila Satur Ocampo, Liza Maza, at mga makabayang partylist tulad ng KABATAAN.

H.O.P.E: Honest, Orderly, Peaceful Elections. Nagiging malinaw na na HOPEless talaga ang Pilipinas.

Paano magkakaroon ng honest choice ang mga botante kung nangangampanya ang Armed Forces of the Philippines laban sa mga kandidato at partido na hindi pro-Gloria, tulad ng mga nabanggit na kanina? Paano, kung tinatakot at sinasaktan ang mga taga-suporta nito, tulad ng nangyayari sa Tondo, Valenzuela, Caloocan, Sorsogon, Iloilo, Iligan, Cagayan de Oro, at Butuan?

Paano magkakaroon ng orderly elections kung kaliwa’t-kanan ang mga kapalpakan ng Commission on Elections sa paghahanda para sa May 10 at sa bilangan, tulad ng balak na hindi pagbotohin ang mga 200-300 libong nagparehistro nung extension period?

Paano magkakaroon ng peaceful elections kung ang mismong institusyon na dapat non-partisan, o walang pinapanigan, at dapat nagbabantay sa proseso ng halalan ang siya mismong #1 suspek sa pagpatay ng daan-daang mga miyembro ng mga iba’t-ibang partylist mula 2002?

Sa totoo lang, ang isang malinis at mapayapang halalan ang pinaka-huling gustong mangyari ng administrasyong Arroyo at ng lahat ng mga ruling elites.

Isipin mo: kung alam mong makukulong ka sa mga kaso ng pagnanakaw, pandaraya, at paglabag sa karapatang pantao at tanging position mo ang magliligtas sa iyo, papayag ka bang bitawan ang posisyon na iyon? At isipin mo: kung alam mo na matatalo ka ng kalaban mo kung wala talagang 3G (guns, goons, at gold) sa eleksyon, papayag ka bang mawala yung tatlo?

Plan E: Mag-deklara ng Batas Militar. Tutal, madali lang naman mag-imbento ng rebellion tulad ng nangyari sa Maguindanao. Sa ilang linggo rin naman, mawawala ang mga tumutuol.

Plan D: Hindi kailangang mag-Martial Law. Kailangan lang “magkagulo” sa ilang lugar para sabihin ng COMELEC na may failure of elections at magdedesisyon ang isang Supreme Court na puro mga maka-Arroyo na pwede siyang manatili bilang caretaker president.

Plan C: Manalo si Gloria sa Pampanga at ang sapat na bilang ng mga maka-Admin na mga Senador at Kongresista para maisulong ang Charter Change. Kahit hindi manalo ang presidente ni Gloria, mahahalal na rin naman na siyang Punong Ministro.

Plan B: Tulad ng Plan C, pero mas madali dahil pati ang Pangulo ni Gloria ay mananalo.

At ang pinaka-nakakalimutan ng lahat, ang Plan A: Matatalo si Gloria sa Pampanga, hindi matutuloy ang Chacha, hindi matutuloy ang failure of elections at martial law. Pero ang mga parehong mukha ang mananalo sa eleksyon: parehong mga pamilya, parehong mga interest groups, parehong mga pag-iisip at pamamalakad at mga patakaran.

Kung gusto mo ng pagbabago sa darating na halalan at magvovolunteer ka bilang poll watcher sa May 10, late ka na ng ilang buwan. Pero hindi pa huli ang lahat: may halos 30 araw nalang at kailangang i-maksimisa ang bawat isa.

Sa mga seryoso na gustong ipagtanggol ang darating na eleksyon, may listahan ang KABATAAN Partylist ng pwede nating gawin laban sa dayaan at karahasan. Isa na dito ang lingguhang Youth Watch Fridays, o mga noise barrage ng mga grupo ng kabataan para sa malinis na halalan.

Ang Voter’s Education Kit ng IBON Foundation at Pagbabago! People’s Movement for Change ang masasabi kong pinaka-magandang panimulang babasahin hinggil sa 2010 elections.

Edukasyon ang isa sa mga pinaka-importanteng isyu ngayong halalan. Magandang batayan kung dapat bang iboto ang isang kandidato ay kung pasado siya sa Education Agenda.

Inilista naman ng Bulatlat.com ang mga serye ng electoral violence na inilunsad ng Armed Forces of the Philippines dito, dito, at dito .

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s