I Wanna Do It Again With You

Originally posted in my Facebook on July 4, 2009.
Eksaktong isang taon ang nakaraan, alam ko pa rin kung ano ung mood/pakiramdam ko: halo-halo ng nerbyos, hesitant optimism, at desperate pessimism. Eksaktong isang taon ang nakaraan, ako at libo-libong mga iba pang kabataan ang naghahanda para sa July 10.

Pebrero 29 ng nasabing taon ng mahigit 80,000 ang pumunta sa Ayala dahil sa galit sa ZTE-NBN deal at sa patuloy na korapsyon ng administrasyong Arroyo. Hindi pa man humupa ang mga apoy nito, napagisipan na ang konsepto ng July 10. Pagpasok ng tag-init, sabay sa pagtaas ng temperatura ang pagtaas ng presyo ng bigas, paghaba ng pila para sa NFA rice, at pag-iksi ng pasensya ng mamamayan.

Walang kredibilidad?
Pagdating ng pasukan, tila naguunahan umabot sa tuktok ng Mt. Apo ang presyo ng langis at mga matrikula at iba pang bayarin sa mga kolehiyo. Malas ka kung tsuper ka o estudyante ka. Doble malas ka pag estudyante ka at tatay mo ay tsuper.
Mas lalong naging urgent ang konsepto ng July 10. Ang naaalala kong panawagan ng isa naming ginawang polyeto: laban ang mga kontra-mamamayang polisiya ni gloria! ibagsak ang rehimeng u.s-arroyo! mag-walkout sa klase! Big deal ang manawagan ng walkout, lalo pa’t laging dinidikdik sa ating mga kabataan na wala na tayong ibang tungkulin kundi sumunod sa curriculum ng school (dahil pwede namang mag-aral sa labas ng klase, at grumaduate na walang diploma). Pero big deal rin kasi yung nagaganap sa lipunan.

May mga pessimistic (“pag pumalpak ito, wala, wala ng pag-asa ang pag-asa ng bayan”). At may optmistic (“magtiwala sa masa, dre”). Pero lahat ay nerbyoso (“naku, paano na ung target natin”).

Ano na nga ba ang mundo post-July 10, 2008?

May namatay na idolo: hindi si Michael Jackson, kundi ang kapitalismo. Ang mga bangkong mas mayaman pa sa mga bansa, ang mga kumpanyang institusyon na, ang mga paniniwalang sinasamba (sa School of Economics), lahat, patay na. Ang bilang ng walang trabaho sa U.S, nasa pinaka-mataas na sa loob ng 26 na taon.

Mula sa kapirasongkritika.wordpress.com
May bumalik sa uso: hindi ang “Heal the World”, kundi “Another World”. Naging pinaka-mabentang libro sa mga ilang bansa sa Europa ang “Communist Manifesto” nila Karl Marx at Fredrich Engels, isang akda na nilalait ng iba bilang “laos na”. Yung mga dating nagtatago ng mukha nung bumagsak ang Berlin Wall, may bagong kintab. May survey daw na nagsasabing 2/3s ng lahat mga Pranses ay hindi na naniniwala sa kapitalismo. Ang isang partido komunista nga sa U.S, nagtayo ng HQ malapit sa Wall Street mismo.

At hindi lang si Hayden at Katrina ang gumiling sa isang scandal: ang pekeng pangulo na may pekeng suso at ang kanyang Kongreso ay ipinasa ang House Resolution 1109.

At nagtagumpay ang July 10.

Kuha sa martsa noong July 18 habang nagmamartsa mula Plaza Miranda papuntang Mendiola.
Nagtagumpay ang July 10 sa matematika ng pagpapatalsik kay Gloria. Ang libo-libong nag-walkout sa klase noong araw na iyon ay libo-libong ibabawas sa bilang na kailangan para mapatalsik si Gloria. Hindi natin mabibigyan ng eksaktong bilang iyon. Pero sa oras na maabot yun, alam na. Pero tignan nalang natin ang nakaraan: hindi pinansin ni GMA ang 40,000 sa kanyang 2005 SONA, at naitago pa ang nerbyos sa 80,000 ng Feb 29.
Kailangan pa bang i-memorize yan?
Nagtagumpay ang July 10 bilang “silid-aralan” ng “tunay na mag-aaral”. Marami sa mga hinatak ko na sumama noon ay naghahatak na na sumama ngayon. Marami sa mga tinalakayan ko nun ay nagtatalakay na ngayon. Marami sa mga pinamunuan ko, namumuno na rin ngayon. Pero higit sa lahat, marami sa mga kasama ko noon ay natuto na ngayon. Iniwan na nila ang nakagisnan naming mundo: ang mundo ng estudyante, Metro Manila, at mga bawal at pwede. Grumaduate na sila papunta sa mundo ng magsasaka, kalunsuran, at mga dapat kontra sa hindi.

Sa madaling salita, noong nakaraang taon, ang bukang bibig ko sa mga hindi pa kumbinsido ay “simulan na ang pagbabago”. Ngayon, “ituloy na natin ito”.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s