Kontra-dilaw?

Maging totoo tayo sa isa’t-isa, at sa mga sarili natin. Kung walang magaganap na HCOS-PCOS sa Monday, two-way fight nalang ang laban para sa pagka-pangulo. Huwag na tayong magbanggit ng terminong “conscience vote” dahil inaappease lang nito ang ating conscience, pero hindi naman sinosolusyunan ang mga problema sa pulitika. May nagsabi na “I will only vote for Manny Villar if it was a choice between him and Noynoy”. Bakit? Hindi pa ba ganun ang usapin?

Matagal ko na/matagal na naming sinasabi na hindi naman tunay na demokrasya ang Pilipinas at ang eleksyon natin ay angkop sa sinabi ni Karl Marx: paligsahan ng mga iba’t-ibang paksyon ng “ruling class” para malaman sinong mang-aapi sa atin ng tatlo hanggang anim na taon.

Naniniwala ako na hindi tanga ang mga Pinoy. Pero bakit natalo si Miriam nung ’92? O kaya naman si Roco nung ’98 at ’04? O kaya si Villanueva nung ’04?

Dahil sa eleksyon na ito, at sa mga nakaraang eleksyon, usapin ito ng “political machinery”. Extreme examples na yung pang-aagaw ng mga ballot boxes ng mga goons (machinery), pakikipag-sabwatan/pagsuhol sa mga guro/canvassers/BEIs (machinery), at pagbili ng boto (machinery yung bumibili).

Andyan ung simpleng pag-arkila ng mga jeep para mapaboto ang mga botanteng pabor sa isang kandidato para yung mga hindi pabor ay maaaring tamarin at hindi na bumoto. Andyan ung paggamit sa mga barangay captains para kumbinsihin ang mga taong sakop niya na bumoto pabor sa isang kandidato

.

Hindi pa ba kayo nagtataka bakit biglang umatras si Chiz Escudero? Dahil nung binanggit niya na kontra siya sa Oil Deregulation Law at pabor sa P125 dagdag-sahod sa mga manggagawa, biglang binawi ng kanyang partido (NPC) ang suporta sa kanya. Walang pondo, walang makinarya.

Hindi ko na kkwestyunin ang mga gusto nyo sa mga manok ninyo: pogi, batang-bata, maganda ang curriculum vitae , maka-Diyos, etc. Pero ang eleksyon sa kasalukuyang yugto ng lipunang Pilipino ay hindi paligsahan ng kung sino ang “nothing but the best”.

Uulitin ko: dalawa na lang ang naglalaban sa eleksyon na ito, pwera na lang kung may HCOS-PCOS. Binanggit ko na sa naunang blog entry kung gaano kasahol ang anim na taong dilaw. Marahil may ideya na kayo nun pero saglit kong uulitin: may rekord ng pagiging kontra-magsasaka (P9.50 kada linggo ang sinasahod ng mga magsasaka ng Hacienda niya), kontra-manggagawa (nagmungkahi ng P3 wage hike imbes na P125), kontra-mahirap (pangunahing nagsuslong ng E-VAT) pabor sa patuloy na pag-abandona sa edukasyon (nagmungkahi na dagdagan ang taon ng elementarya imbes na dagdagan ang budget at tutol sa kahit anong paraan ng pag-kontrol sa tuition increase), ngayon pa lang ay umaasta tulad ni Gloria at Palparan laban sa mga kritiko (binansagan sila Satur Ocampo at Liza Maza bilang mga ‘komunista’).

Ang aking panawagan sa lahat, magkaisa laban sa administrasyon ng mga pumanig laban sa mamamayan at para kay Gloria. Hindi masosolusyunan ng iboboto natin sa pagka-pangulo ang lahat, o kahit man lang malaking bahagi, ng mga problemang panlipunan.Pero ang mapipigilan sana natin ay yung magpapalala sa mga kasalukuyang problema.

Tandaan, nasa 30+% lang ang popularidad ni Noynoy at Mar. May 70% na tutol sa kanila, may 70% na maaaring magkaisa. May 70% na maaaring ang malaking parte ay sumuporta sa #2 sa pagka-pangulo at pagka-bise-pangulo.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to Kontra-dilaw?

  1. Leon says:

    Eh di si Erap pala ang iboboto natin dapat? Hahaha. Lecheng Survey Science yan. :))

  2. radulce says:

    shet. oonga ano. o cge, for the record, I am not referring to that asshole. si Villar po ang tinutukoy ko.

  3. piyesanimayeth says:

    huhu. radulce, alam ko na pare-pareho sila pero sa totoo lang naluungkot talaga ako sa kinalalabasan ng resulta ng eleksyon (kahit na expected na ito), plus naaawa din ako kay manny,hahaha! anubeyan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s