Kume

nagkakagulo sila para makuha ang boto natin. ang tanong, sino ba ang tunay na titindig sa mga mahalagang isyung pambansa?

Eleksyon nananaman sa mga malalaking pamantasan! Sa mga lugar tulad ng UP Diliman at UP Manila, siguradong iikot nanaman ang debate sa isyu ng komersyalisasyon. May isang panig na pilit iibahin ang mga kahulugan ng mga bagay-bagay para iwasan ang kanilang pananagutan sa mga estudyanteng nabiktima ng kanilang pakikipag-sabwatan sa administrasyon.

1.

Una, ano ba ang commercialization? Sa salita pa lang, matutukoy natin ang ibig sabihin nito. Mula sa salitang commercial, o nagtataglay ng katangian ngcommerce business. Kaya pag sinabi nating commercialization of education, tinutukoy natin ang proseso ng pagbibigay sa edukasyon ng katangiang pang-business.

Siyempre, ang #1 na katangian niyan ay pagiging profit-oriented. Sa commercialized education, nirerespeto ang “karapatan” ng mga may-ari ng paaralan sa healthy rate of profit, o mataas na tantos ng tubo. Sa kaisipan ng komersyalisasyon, malaking NO-NO ang mga patakaran at polisiya na maglilimita sa kita ng mga paaralan.

Ang komersyalisasyon ay masasabing kabaliktaran ng kaisipang education is a right. Sa pangalawa, ginagarantiya ang access ng isang nilalang sa edukasyon kahit ano pa ang kanyang katayuan sa buhay. Sa prinsipyong ito, pantay lang ang tsansa ng anak ni Ka Bel at ng isang batang Ayala na makapasok sa maayos na paaralan.

Walang lugar ang ganito sa komersyalisadong edukasyon: ang mga mahihirap ay mga free-loaders na binabawasan ang kita at tubo ng mga may-ari ng paaralan. Ika nga ng KARATULA sa kantang Komersyalisasyon “Kaya’t parang gulay na inilalako itong edukasyon”. Parang gulay sa palengke, kung wala kang pera, wala ka nito. Education is a right pero kung may pera ka lang.

2.

Paboritong argumento ng mga grupong pseudo-progressive sa loob ng mga pamantasan ang pag-tanggol sa komersyalisasyon bilang realistic o pragmatic solution sa krisis sa sektor sa edukasyon. Ayon sa kanila, ang kakulangan ng budget sa edukasyon at ang kasama nitong pagbaba ng kalidad ay maaayos kung ang pribadong sektor ang hahawak sa edukasyon imbes na ang gobyerno, o ang pampublikong sektor.

Para sa kanila, “wala na tayong magagawa” sa pagkukulang ng gobyerno sa edukasyon. Para sa ilan sa kanila, ito ay dahil talagang matigas ang ulo ng mga nasa poder. Para naman sa iba, ito ay dahil wala na daw talagang pera na mailalaan para sa mga paaralan. At may mga iba’t-ibang dahilan pa: korapsyon, babagsak ang ekonomiya pag hindi nagbayad ng utang panlabas, etc. etc. Pero iisa lang ang tuntungan nila: inefficient ang pampublikong sektor kaya mas mabuti na ang pribadong sektor ang humawak sa edukasyon.

Bukod sa pagiging profit-oriented, isa ring katangian ng komersyalisadong edukasyon ang pagiging privatized.

mini-poster ng anakbayan sa up diliman para maghikayat para sa isang class boycott noong 2006

3.

Sa tuwing pupunahin ng mga makabayang alyansa ng estudyante sa UP ang mga pseudo-progressives, madalas nilang isagot na hindi porke’t sinusulong ang komersyalisasyon ay nangangahulugan na sinusuko na nila ang sikat na fight for greater state subsidy. Ayon sa kanila, ang natitipid na pera tuwing napapailalim sa komersyalisasyon ang isang aspeto ng edukasyon ay pwedeng ilaan sa mga iba pang parte/aspeto na mas nangangailangan. Hmm… parang ang ganda pakinggan di ba?

Marahil ay hindi na ito naririnig ng mga bagong henerasyon ng mga estudyante sa UP, pero bago aprubahan ang TOFI, naglabas ng pag-aaral ang mismong UP Administration kung saan tinantya nila gaano kalaki ang kikitain ng UP dito. Ayon sa pag-aaral, kapag lahat na ng estudyante nila ay nagbabayad na ng bagong matrikula, hindi aabot sa P300 milyon ang dagdag kita sa Pamantasan.

Ang pagtaas ng matrikula ay sinasabing isa sa mga pinaka-mabigat na porma ng komersyalisasyon. Ngunit ang liit lamang pala ng kinita ng Unibersidad. Di-hamak na mas malaki ang pag-bawas sa budget ng UP. Masasabi ba natin na totoo ang prinsipyong “ng natitipid na pera tuwing napapailalim sa komersyalisasyon ang isang aspeto ng edukasyon ay pwedeng ilaan sa mga iba pang parte/aspeto na mas nangangailangan” kung P300 milyon ang dinagdag pero P2 bilyon (panukalang budget cut sa UP ngayong 2010) ang binawas? Hindi ito paglipat, pag-maximize, o efficient use ng resources: ito ay malaking pagbabawas.

Ganun din ang kaso sa Ayala TechnoMall, este Hub, na nakatayo sa lupain ng UP Diliman. Bago magsimula ang proyekto, binabanggit ng mga grupong kontra-komersyalisasyon ang isang naunang kaso ng pagpapagamit ng UP ng kanyang mga lupain sa pribadong sektor: ang Philcoa Complex, kung saan kasama ang Jolibee at McDo na tambayan ng mga mag-aaral ng walang tulugan. Ilang dekada ng nirerenta ang lupain na ito mula sa UP, ngunit iilang milyon lang ang kinita ng UP. Ganun rin sa Ayala TechnoHub, sa iilang dekada na ipapagamit ito ng UP, hindi pa aabot sa kalahating bilyong piso ang total na kikitain nito.

4.

Isang paborito naming isagot noon sa mga dilawan at asul ay ang hamon ng pag-aralan muna ang mga polisiya ng gobyerno sa edukasyon, lalo na ang Long Term Higher Education Development Plan for 2001-2010. Ayon sa plano, pag-dating ng 2010, dapat 70% ng lahat mga SUCs (state universities & colleges) ay may matrikula na tulad sa mga pribadong kolehiyo, 50% ng lahat ng SUCs ay may mga income generating projects, at 20% ay self-sufficient sa pagbebenta ng mga intellectual products at grants.

Ang laki ng matitipid ng gobyerno na pera sa mga nasabing target. Ang tanong, mapupunta ba ito sa mga parte ng sektor ng edukasyon na mas nangangailangan? Sa totoo lang, matagal ng nagbabawas ang administrasyong Arroyo ng budget sa edukasyon. Pero kung nababawasan ang budget sa UP, hindi naman tumataas ang budget ng PUP. Nababawasan ang budget ng mga kolehiyo, pero napaka-liit naman ng dinadagdag sa budget sa high school at elementary.

Wala ng mas malinaw pa kundi sa sinabi ng isang propesor ng UP School of Economics bago magtaas ng matrikula noong 2006: katanggap-tanggap daw ang konsepto na ang estudyante ay bayaran ang buong halaga ng kanyang pag-aaral. Walang subsidy. Muli, parang gulay na nilalako sa edukasyon. Ito ang kabuuang tanaw o kaya master plan ng kasalukuyang rehimen: bawasan ang budget sa edukasyon at ibigay sa pribadong sektor ang responsibilidad para paganahin ito. Komersyalisasyon, sa madaling salita.

july 18 2008 walkout: mahigit 2,000 na estudyante ang lumahok bilang protesta sa TFI at iba pang mga isyu

5.

Hindi nakapagtataka na sumusuko na ang mga pseudo-progressives sa laban para sa mas mataas na budget sa edukasyon gayong hindi pa ito nagsisimula: wala kasi silang tiwala sa kakayahan ng karaniwang estudyante na intindihin ang isyu. Wala rin silang tiwala sa kakayahan ng estudyante na kumilos para ipagtanggol ang kanyang mga karapatan. Sa totoo lang, ang mga iyan ay mga tamad na nag-fefeeling aktibista pero ayaw magbuhos ng oras para magpaliwanag at mangumbinsi ng mga kapwa-estudyante.

Taliwas ito sa nangyayari sa buong mundo ngayon.

Sa U.S noong nakaraang taon, paralisado ang lahat ng mga kampus ng University of California pagkatapos mag-welga ang mga estudyante, guro, at kawani, laban sa pagtaas ng matrikula at pagbawas ng budget. Ngayon, nananawagan naman ang mga grupong pang-estudyante sa buong U.S ng isang pambansang strike sa Mar. 4 laban sa mga budget cuts.

Sa Europa, karaniwan na ang mga tinatawag na campus occupations hinggil sa maraming isyu, at hindi lamang dahil sa pagtaas ng mga bayarin o budget cuts. Pinaka-huli na ay ung naganap sa Austria noong nakaraang taon rin.

Siguro ang pinaka-matinding ehemplo nga ay yung sa Chile noong 2006. Tatlong-buwan na halos araw-araw nag-riot ang mga estudyante (karamihan mula sa high school) laban sa mga samu’t-saring mga isyu.

Naging posible ang pagkakaroon ng libreng edukasyon para sa lahat mula elementaryo hanggang kolehiyo. Ngunit posible lamang ito sa mga bansa kung saan ang gobyerno ay binuo at kontrolado ng mamamayan. Sa ganitong diwa, makikita natin naang pinaka-magandang ehemplo ng pagkilos laban sa komersyalisasyon ay ang pagpapatuloy ng people’s war sa mga bansa tulad ng Nepal, India, Pilipinas, Peru, at Columbia. Ang pagpapatupad ng edukasyon para sa lahat ay sentral na programa ng mga grupong naglulunsad ng people’s war.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

4 Responses to Kume

  1. Cleve says:

    Ito yun e! NOTED. Kabisado na. :))))

    • radulce says:

      Maganda ang nilabas na statement ng ANAKBAYAN-UP Diliman hinggil sa kanilang student council elections. Huling-huli ang pinaka-importanteng punto: ang disparity ng ng slogans ng kabila at ng kanilang aktwal na pinaggagagawa.

  2. Pingback: Iskolar para sa Bayan? « Kapirasong Kritika

  3. pinostalgia says:

    ansaya ng mga pics mo! pang-nostalgia.. heheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s