May 10

Hindi ko tinitignan ang pagboto ng marami kay Erap, Bong Revilla, Lito Lapid, at Jinggoy bilang katangahan. Ang mga nasabing kandidato ay lumalabag sa matagal na nating pamantayan ng pagpili ng mga public servants: may pinag-aralan, may magandang tinapos mula sa magandang kolehiyo, maraming ibang kwalipikasyon, maraming ginawa bilang mambabatas, etc. Pero kung tutuusin natin, marami na tayong mga lider na pumasa sa ganung pamantayan ngunit bagsak para sa mamamayan: si Marcos, si Gloria Arroyo, kahit si Bayani Fernando.

Sa kanilang pagboto sa mga kandidatong taliwas sa pamantayan, ibinabasura ng marami ang pagtanggap sa mga pamantayan na ito! Ibinabasura rin nila ang mga ideya sa likod ng mga ideya na ito, at sa mga uri/grupo na nasa likuran ng mga ideya na ito. Kumbaga para sa kanila, dahil wala naman silang napala sa pamamaraan ng pagboto na “wisely”, bakit hindi subukan ang “unwisely”? Bumoto sila ng matalino, pero sumablay. Para sa kanila, walang mawawala kung bumoto sila ng mga inaasahang sumablay sa unang pamantayan.

Maaaring tinitignan natin na ignorante ang mga mahihirap hinggil sa mga usapang panlipunan kaya bumoto ng mga bobo. Pero kung tutuusin, tayo ring mga nasa middle-class ang ignorante: hinggil sa mga mahihirap. Galit, inis, o hindi natin maintindihan ang mga resulta ng halalan dahil hindi natin maintindihan ang mga sektor na bumubuo ng karamihan ng mga botante at ng buong populasyon natin.

Aminado ang maraming botante na binoto nila ang mga nasabing kandidato dahil sikat sila, at hindi dahil ganito sila kagaling o katalino. Hindi nila binoto ang mga ito dahil ignorante sila. Binoto nila ang mga ito dahil tinatanggihan nila ang “ilusyon” ng rationalism o logic sa eleksyon. Kumbaga, they refused to play along with the charade.

Galit na galit tayo sa ginawa ng tinatawag nating stupid majority. Pero tignan natin ang mga bagay-bagay sa kabilang dulo. Matagal na silang galit sa noisy minority. Matagal na silang galit na pinagsasabihan kung ano ang tama o mali ng isang maliit na bilang ng mga indibidwal na hindi naman nagpapatakbo ng lipunan gamit ang kanilang pawis.

Sa Facebook, nakakaawa ang mga fanpage at yung opisyal na account ni Erap. Mas marami pang fans yung karaniwang bogus partylist. Sa 1,200+ friends ko sa FB, 2 lang ang nagsabing iboboto nila si Erap. Ang newsfeed ko (hanggang ngayon), dominado ng mga taga-suporta ng dalawang kandidatong “G”. Pero tignan mo nga naman, yung nauna ay may mahigit anim na milyong boto na habang nagsusulat ako nito. Yung sumunod naman na dalawa, ang kanilang pinagsamang boto ay kalahati lang nung nauna. Sino kaya ang tunay na out of touch sa realidad ng lipunan?

Simula’t-sapul, sinabi na ng Left na hindi makakamit ang malawakang pagbabago sa eleksyon. Sa pangakalahatang kaso ng 2010, ito ay isang pagpili sa kung sino ang bagong mang-aapi sa atin sa susunod na anim na taon at pagtalo sa pinaka-masahol na grupo ng maaaring mang-api sa atin. Ang problema, marami sa atin sa middle class ay out of touch kaya iba ang tingin natin sa eleksyon. Isinugal natin ang lahat, at ngayon ay nanalo ang pinaka-kinaaayawan natin. May dapat ba tayong sisihin? Oo. Ang mga sarili natin.

Sana, mula sa puntong ito, mas bibigyan na natin ng kahalagahan ang panawagang pag-aralan ang lipunan. Dahil hangga’t hindi natin ganap na intindihin paano gumagana ang ating lipunang, anim na taon uli tayong magdudusa sa kakulangan ng nakikitang solusyon, at pagkatapos ay magkakamali ulit tayo sa 2016.

Politics is war without bloodshed while war is politics with bloodshed

– Mao Zedong

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

15 Responses to May 10

  1. Serve the people. Tama ang sinabi mo kaibigan. Pwede ko bang ishare to sa facebook?

  2. gelly says:

    pa-share po sa fb.. 😀

  3. Weng says:

    Magaling! Tama yan!

  4. ewan says:

    Mas masahol pa maging bobo ang mga burgis. Fact.
    Ang mga mahirap na walang pinag-aralan, at least me excuse.
    Samantalang ang mga me kaya, nakabibili ng lisensiya para maging BOBO.

  5. Kimmy says:

    pashare ako nito, Anton. salamat.

  6. Randell says:

    Do you have specific solutions in mind?

  7. Hindi tanga ang masa. Wala lang silang ibang alternatiba. Kung tatanungin natin sila, marami sa kanila na ayaw na ng kasalukuyang sistema. Pero wala silang makitang maaaring ipalit.

    Ang tungkulin ngayon ng mga progresibo, matapos ang karnabal na kung tawagin ay eleksiyon ay ipamulat sa kanila ang alternatibo na puwedeng-puwede at buung-buo silang makisangkot. Dito, sila ang kolektibang magpapasya at magsusulong ng isang bukas na malaya, masagana at wala sa kuko ng pang-aalipin. Padayon!

  8. Dien says:

    Very well said, Kuya Anton. Nakakapukaw ng isipan ‘yung sinulat mo, lalo na noong sinabi mo na marami na rin namang lider na nakapasa sa tradisyunal na pamantayan ngunit bagsak naman sa paningin ng lipunan.

    • radulce says:

      Salamat. Hopefully, ito na ang simula ng pag-basag ng maraming mga estudyante sa kanilang mga traditional notions of politics, governance, development, at social change.

  9. radulce says:

    Sa mga sincere na gustong i-advance ang public discourse hinggil sa bagong Administration, meron kaming project sa Facebook. Ang aim namin ay iengage ang public and have them talk about what kind of change do we want, and how the Government can do it.

    Join the discussion at: http://www.facebook.com/group.php?gid=116446728392880

  10. Charles says:

    Hi Anton! I totally agree with your view regarding this matter. I posted your link on my FB wall. 🙂 Thanks for writing this liberating entry!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s