Nobody, Nobody, But YOU

Originally posted in Facebook on July 28, 2009.
A few of the youth participants: STAND-UP Diliman, ASAP KATIPUNAN-UP Manila, SAMASA-PUP, PUP Central Student Council, St. Scho Manila’s The Scholastican, St. Paul Manila Student Council, Ateneo Student Catholic Action, UPerture, UPD’s Phil. Collegian, UPM’s Manila Collegian, UP Praxis; students from JRU, UE, PSBA, UST, PLM, Lyceum, etc.
Ikaw, oo ikaw. Nilalagnat, sinisipon, at/o masakit ang katawan mo ngayon. Malamang hinarangan ka ng mga magulang mo, o pinipilit ng mga kaibigan mo na mag-mall nalang. Pero hindi. At dahil dun, sa iyo ang July 27. Ikaw ay bayani ng araw na ito. Pinakita mo ang silbi ng sama-samang pagkilos: kung mag-isa ka lang na-angas tungkol sa SONA, may papansin ba sa iyo? Alam natin yung sagot. Kaya magkasama tayo kanina.

At ikaw, oo ikaw. Hindi ka nakapunta kanina. Baka natakot ka sa mga magulang, kahit na alam mong tama tayo. O kaya naman Iglesia ka. O kaya may trabaho, sakit, o emergency. Hindi pa tumitigil ang ChaCha train, kaya pwede pa tayong sumabit sa jeep ng pakikibaka.

Madali lang naman makita kung gaano katotoo yung mga laman ng SONA. Tanungin mo lang yung karaniwang Pilipino. Pero ang nakakatawa pa, yung mga nag-rally sa harap ng Batasan na mga ‘pro-Gloria’ ay hindi naman alam kung bakit sila andun. Basta pinapunta sila. Kung totoo yung mga laman ng SONA, siguradong kaliwa’t-kanan ang mga insulto na matatanggap ng mga nag-rally kanina. Pero hindi naman, di ba?

Pero ilan na ring mga statistics na nakalimutan ni Gloria isama sa SONA:

– Tumaas ang bilang ng mga out-of-school youth sa elementary at high school levels ng 2.45 million (papuntang 4.69 million) sa ilalim ni GMA
– Isa sa kada anim na kabataan ay hindi na makapag-aral dahil sa kahirapan
– Tumaas ang tuition ng Unibersidad ng Pilipinas mula P300 papuntang P1000 kada unit
– Tumaas ang presyo ng bigas ng 68% sa ilalim ni GMA
– 835,000 na hectares lamang ng lupa ang napamahagi ng DAR, pero karamihan ay nabawi ng mga landlords kaya…
– 7 sa kada 10 magsasaka ay wala pa rin sariling lupa
– 80% ng ating populasyon, o mga 65 milyon, ay nabubuhay sa di-aabot ng P112 kada araw
– Tumaas ang utang ng gobyerno mula P2.17 trillion papuntang P4.23 trillion sa ilalim ni GMA, kahit na nagbayad na ito ng P4.8 trillion

Yung mga nagsasabi daw na maaari magdeklara ng martial law si Gloria ay mga natatakot lang sa sariling anino, ayon sa kanya. Ibig sabihin ba nun, dinukot at tinortyur ang Fil-Am na si Melissa Roxas ng kanyang anino? Inaresto ba ang yumaong Anakpawis Representative Crispin Beltran at si Bayan Muna Representative Satur Ocampo ng kanilang mga anino? Si Jonas Burgos, at ang mga UP students na sila Karen Empeno & Sherlyn Cadapan, dinukot sila ng mga anino nila? Yung mahigit 1000 kaso ng pagpaslang sa mga aktibista at mga taga-suporta, mga anino ang pumatay sa kanila?

You can’t blog this away
Sa isa sa mga unang SONA niya, pinagtanggol niya ang gera sa Mindanao sa pagsasabi na kung hindi ka niya kakampi, kakampi mo daw ang Abu Sayaff. May ganung mentality si Gloria: ‘with us or against us’. Kaya naman pinuri pa niya nung 2007 ang ating sariling version ni Adolf Hitler: si Jovito Palparan. Inalok pa niya nga ito ng mga iba’t-ibang mga matataas na posisyon sa gobyerno. Ine-endorse ni GMA ang mga pumapatay sa kanyang mga kritiko. Kahit ang United Nations, sa katauhan ni Special Rapporteour Phillip Alston, na mismo ang nagsabi niyan.

May kagustuhan ba si Gloria na magdeklara ng batas militar? E kakayahan? Matagal na niyang pinapatupad ito, hindi lang niya dinedeklara.

How do you vote against an asshole like this?
Sa SONA, hindi sinagot ni Gloria ang mga pinaka-mainit na tanong ng marami: itutulak pa rin ba nila ang Chacha? Mananatili ba siyang Presidente lagpas 2010 dahil babaguhin ang term limits sa Saligang Batas? O magiging Prime Minister ba siya sa 2010 dahil gagawin ng parliamentary ang sistema ng gobyerno?

Ang sinabi niya lang, wala naman daw siyang binanggit na kagustuhang manatili sa pwesto beyond 2010. Kung tutuusin, yun rin naman sinabi niya noon di ba? Hindi niya hangad ang tumakbo uli sa 2004. Pero anong nangyari nung December 2003? Sinabi niya tatakbo siya ulit. Pero hindi niya DAW gustong tumakbo. Nilapitan lang daw siya ni Lord at sinabihang tumakbo. At sino bang makakalimot sa dasal ng dating Press Secretary niya na nagnanais na mamantili si Gloria lagpas 2010?

Sa isang madulas-ang-dila tulad ni Gloria, mahalagang bitawan ang bawat salita niya. Ilang araw bago ang SONA, hinamon ng mga anti-Conass na mga law students si Gloria na pumirma sa kasunduan na hindi na siya mananatili sa pwesto lagpas 2010. Hulaan nyo anong sagot niya.

Tuloy pa rin ang banta ng batas militar at pagpapatagal ng pagpapahirap sa mga Pilipino. Ito ang magdedetermine ng mga dapat nating gawin sa susunod:

1. Arouse – Hindi ‘tinapay’ ang ‘masa’ na mag-aalsa basta-basta. Kailangan mag-paliwanag: kung ano ang pwedeng gawin, kung bakit hindi dapat matakot, kung bakit dapat makialam, o minsan kahit yung isyu mismo. Hindi sila kikilos kung hindi nasasagot yung mga tanong na yan. At tandaan natin, nalulunod tayo sa propaganda ng gobyerno: sa mga baduy na tarpaulin banners, sa mga newspaper ads, sa mga nakapinta sa LRT, sa sinasabi nila sa balita, etc.

Maaaring ito ay verbal o non-verbal. Kung verbal, maaaring ito ay kasing simple ng ginagawa ng mga aktibista: pumasok sa mga klase at magpaliwanag/magkwento sa mga estudyante. O pwedeng kung saan nakatambay ang mga estudyante. Maaari namang kasing big-time ng paglunsad ng isang forum kung saan iimbitahan pa ang mga lider ng mga makabayang organisasyon. O kaya naman pag-perform ng mga meaningful na mga kanta at dula.

Kung non-verbal, maaari itong visual: paggawa ng mga posters, kahit yung sa short bond paper lang. Kung gagawa ng marami,pa-xerox at ipaskil sa maraming mga lugar. Pwede namang mga streamers. Kung hindi kayang ipa-print sa tarpaulin, pwedeng ipinta mismo sa tela. O kahit lang pag-post ng mga disenyo sa mga websites tulad ng deviantart, facebook, at multiply.

Kung hindi naman visual, marami rin: blog entries, pag-contribute sa iyong school publication, pagsimula ng sariling publication, mga pamphlets na pwedeng ipamigay, kahit mga tula at short stories.

Ano man ang mapiling ‘form’, ang importante ay yung ‘reach’: Hindi sasapat na iilan lang ang maaabot natin. Minimum dapat ay ang buong paaralan natin. Mas maganda kung lumalagpas pa sa ating sariling campus. At mas mabuti kung inaabot natin yung mga ‘basic sectors’, tulad ng mga manggagawa o magsasaka.

2. Organize – Kung hindi pa, maging miyembro ng mga progressive na organisasyon ng kabataan tulad ng ANAKBAYAN, League of Filipino Students, Center for Nationalist Studies, Student Christian Movement, Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan, College Editors Guild of the Philippines, o National Union of Students of the Philippines.

Importante ang pagpapaloob sa mga organisasyon, una, dahil dito kumikilos tayo ng sama-sama para sa isang objective. Madali itong maintindihan ng mga tulad ng mga manggagawa. Sa loob ng kanilang ‘unyon’, nakakapaglunsad sila ng mga pagkilos para maipagtanggol ang kanilang mga karapatan, tulad ng strike. Sa pagpapaloob ng indibidwal, lumalakas ang kanyang kakayahang maglunsad ng pagbabago: sa college, campus, o kahit sa national level.

Pangalawa, dito napapaunlad ang bawat isa sa atin para mas mahusay na maka-contribute sa pagbabago. Kung sa personal experience ko, dito ako natutong maging ‘mass leader’ (o public speaker). Dito rin ako natutong magsulat labas sa mga angsty teenage ramblings ko. Yung mga talents mo, naiccontribute mo at natutunan ng iba, habang natututo ka naman sa kanila.

Para makapag-organize, kailangan muna ang Step 1.

3. Mobilize – Kasama na sa pag-‘mobilize’ ang mga rally. At contrary sa iniisip ng iba, hindi ito ang tanging ginagawa ng mga aktibista. Kung tutuusin, kailangan ng sobrang laking effort sa unang dalawang steps para magkaroon ng successful na step 3.

At hindi lang naman rally ang porma ng pag-‘mobilize’. Meron namang mga simple: pagsuot ng pula sabay-sabay sa isang araw, signature drive para sa isang petition, relief drive, ‘sit-in protest’, at iba pa. Walang limitation kundi yung imagination ng nagpplano. At basta wala namang kagaguhan na involved tulad ng drugs o alcohol.

Pero siyempre, hindi lang basta-basta mga ganun ang kailangan ngayon. Tulad ng nasabi kanina, extra desperate si Gloria. Kaya kailangan, ang ating mga Steps 1,2,& 3, ay dumudulo sa mga ‘super-step 3’. Mga hakbang na nangangailangan ng napaka-taas na level ng unity at preparation. Isang halimbawa na yung plano ng grupong Migrante International na wag mag-remit ng kahit isang kusing sa Pilipinas sa unang araw ng Constituent Assembly. Andyan rin yung isa sa mga pinaka-kilalang porma: ang ‘transport strike’ ng mga tsuper. Kung papaptaasin pa, andyan yung ‘general strike’ o pag-tigil sa trabaho ng mga manggagawa sa iba’t-ibang mga industriya at pagawaan ng sabay-sabay. Kung sa atin, andyan yung ‘walkout’ sa klase.

Almost Edsa, 2006
At siyempre, andyan ang EDSA.

Meron pang isa pang super-step. Kaso para sa ibang araw na iyon.

The main effigy of the Peoples’ SONA 2009
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s