Now: a few words on Gibo, Intellectual Elitism, and the “Ignorant” Masses

Originally posted on Facebook last Dec.30, 2009.
By itself, maganda at nakakapang-akit ang mga slogan ni Gibo: Una, nananawagan ito ng mabilis at agarang pagbabago. Pangalawa, pinapalabas nito na si Gibo lang ang kayang magbigay nito dahil siya ang pinaka-talentado sa lahat ng mga kandidato. May nagsabi pa nga, bagama’t hindi ko naman kumpirmado, na nung nagkaroon ng survey sa UP Diliman, si Gibo ang #1 presidentiable.

Naalala ko tuloy nung 2004. Ganito rin ang usapan: bumoto ng may magandang record sa kolehiyo, ‘matalino’, at ‘propseyunal’. Hulaan nyo sinong kandidato ang tinutukoy nito? Oo, wala ng iba kundi si Gloria Macapagal-Arroyo.

Kawalan ng tiwala sa mamamayan at intelektwal na elitismo: ito ang pinag-uugatan ng malaking suporta na nakukuha ni Gibo (at ni Gloria noong 2004) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, at sa tinatawag na “intelligentsia” sa pangkalahatan.

Aminin man natin o hindi, marami sa atin sa nasabing ‘grupo’ ay may mababang pagtingin sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor na kung saan ang mayorya ay tinataguriang ‘walang pinag-aralan’ o ‘mababa ang antas na tinapos’. Naging malinaw yan noong 2004, kung saan napakaraming ‘middle class’ ang bumoto kay GMA, hindi dahil sa gusto nila siya, kundi para kontrahin ang malawak na suporta ng mga ‘di-nakapagaral’ kay FPJ.

Para sa marami sa atin, nasusukat ang kakayahan ng isang taong mamuno sa kanyang tinapos, sa kanyang mga titulo mula sa akademiya.

Dahil mayorya ng populasyon sa Pilipinas, para sa atin, ay bobo at/o madaling mauto, nakikita natin ang pangangailangan sa isang ‘matatag’ na lider: matalino at propesyunal. Parang Strong Republic. Parang Bagong Lipunan.

__________

Narinig nyo na ba ung slogan na “Rely on the Masses” o “Magtiwala sa Masa”?

Slogan siya ni Mao Zedong nung panahon ng Chinese Revolution. Problema kasi nila ay kung paano magtatayo ng sosyalistang lipunan sa Tsina gayong talo sila kila Chiang Kaishek at sa Kuomintang sa dami ng tao, armas, at pera.

Ang sagot ni Mao? Magtiwala sa Masa.

Nung nagtagumpay sila Mao at pinalayas ang KMT papuntang Taiwan, problema naman ay kung paano magtatayo ng sosyalismo sa isang bansa na wasak ang ekonomiya.

Ang sagot ni Mao? Magtiwala sa Masa.

Tama ba yung sagot? Kung tama ang pagkakaalala ko, mula sa isang tagpi-tagping hukbo ng iilang daang magsasaka, nabuo nila ang Red Army ng daan-daang milyon na nagpalayas sa KMT. At mula sa isang wasak na bansa nung 1949, nakapagtayo sila ng bansa na may ZERO povery hanggang 1976.

Hindi nila nagawa yun dahil meron silang isang ‘forceful personality’, ‘college intellectual’ o kaya naman ‘professional’ bilang lider. Kung tutuusin, hindi naman si Mao ang pangulo o premier ng Tsina nun. At yung mga propesyunal kuno sa gobyernong sosyalista ung mga mismong pinatalsik sa pwesto nung Cultural Revolution.

Simple lang naman ung “Magtiwala sa Masa”.

Una, hindi tanga o ignorante ang masa. Naalala ko nung dineklara ang Martial Law sa Maguindanao at magkakaroon ng rally sa Kongreso. Bago magsimula, kumain muna kami sa mga karinderya sa tabi-tabi. May mga ilang aktibista na kinakausap yung may-ari ng kinainan namin at niyayayang sumama. Ang sabi ng ale, hindi naman na daw gagana ang rally. “Dapat sa mga yan gini-giyera na” dagdag niya.

Oo, hindi nila siguro alam kung ano ang ‘conflict theory’ at ‘social system’. Pero alam nila ang konkretong nangyayari sa lipunan batay sa araw-araw na karansan nila. At kung siyentipiko kang mag-aral ng social sciences, alam mo na yun ang dapat na batayan sa kung anong teorya ng pagbabago na gagamitin mo: sa aktwal na nangyayari.

Pangalawa, sila ang tinatawag natin na ‘direktang lumalahok sa produksyon’. Sa kanilang araw-araw na paghahanapbuhay, naiintidihan nila ang katangian ng ekonomiya at ng lipunan sa kabuuan. Halimbawa, nasubukan ko ng maupo sa iilang diskusyon ng “Wage, Price, & Profit” ni Karl Marx kasama ang mga manggagawa sa iba’t-ibang mga piketlayn. Habang yung mga tulad ko ay hirap na hirap intindihin, madali agad nilang nagagap yung mga konsepto. Pinapaliwanag pa sa amin gamit ung mga sarili nilang experinces.

Alam rin nila, o madaling maiiintindihan, kung ang isang bagay ay makakatulong o hindi sa kanilang kalagayan. Isang ehemplo jan ay sa librong “Silage Choppers and Snake Spirits”, na batay sa buhay ng dalawang Amerikanong lumahok sa Chinese Revolution.

Namuhay at nagtrabaho sila sa isang “state” o “collective farm”. Imbes na lahat sila ay may sariling ilang ektarya ng lupa, pinagsasama-sama ang mga ito. Tapos, yung ani ay hindi naman napupunta lahat sa kanila. Pagkatapos nila makuha ung bahagi na sapat para ikabuhay nila, malaking parte na ang napupunta sa gobyerno para ibenta naman sa mamamayan.

Kung susundin natin ang kaisipan na makasarili ang mga mahihirap, e di dapat hindi sila ganadong magtrabaho. Kung ano lang yung sapat para makuha nila yung pangangailangan nila, ok na yun. Pero dahil nga naintindihan nila na pinapaunlad nila ang ekonomiya ng Tsina hanggang sa darating ang panahon na pwede ng kumuha ang tao ng mga produkto ‘batay sa kanyang pangangailangan’, nagsumikap sila.

Napakalaking pagkakaiba nito sa kalagayan ngayon sa Pilipinas kung saan mababa ang respeto ng tao sa gobyerno at katawa-tawa para sa marami ang isiping ‘sumunod’.

__________

Bigyan mo ng pagkakataon ang masa at kaya nilang baguhin ang lipunan. Sabi nga ng isang sikat ng kanta ng mga aktibista nung Dekada Sisenta at Sitenta “ang masa, tagapaglikha ng kasaysayan”. At totoo nga, sa pag-“rely” sa kanila naitayo ang unang mga ehemplo ng lipunang lahat ay pantay-pantay at walang kahirapan: USSR mula 1917 hanggang 1953, Tsina mula 1949 hanggang 1976, at Cuba ngayon.

Sa mga estudyante ng UP, at iba pang mga intelektwal, ito siguro ang dapat nating isipin ngayong malapit na ang halalan: imbes na isinusugal natin ang lahat ng pagkakataon sa pagbabago sa isusulat sa balota sa Mayo, palakasin natin ang kakayahan ng masa na maging kalahok sa pagbabagong panlipunan.

Importante ang pag-‘integrate’ natin sa hanay ng mga masang manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang taga-lungsod, atbp. Malalaman natin ang kanilang araw-araw at buong-buhay na kalagayan. Malalaman rin natin gaano ba katotoo ang mga ‘stereotypes’ at ‘myths’ natin tungkol sa kanila.

Sa isang banda, naisasanib naman natin ung mga teorya at iba pang kaalaman na napulot natin sa paaralan sa kanilang praktikal na kaalaman. Parang sa kwento ni Edgar Jopson, dating Atenista at TOYM awardee na naging organizer ng mga unyon. Nakatulong sa pakikipag-negosasyon sa mga management ang kanyang pag-research sa mga kumpanya.

__________

Mukhang puro pang-mamaliit ng ‘middle class’ (yet again) ang laman ng sinulat ko. Pero kung tutuusin, malaki ang potensyal at mahalaga ang papel nila (o natin) sa pagbabago. Ilang ehemplo: si Lenin ay isang abogado, si Stalin ay nag-aral sa seminaryo, si Mao ay naging guro, si Che ay doktor, si Luis Jalandoni ng NDF ay isang pari. Kung aalisin natin na parang ahas ang balat ng elitismong intelektwal at buong-pusong lumahok sa pakikibaka ng masa, tayo rin ay makakaambag ng malaki sa pagbabago.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s