Noynoy Aquino

Kilala si retired Army general Jovito Palparan bilang “Berdugo” o isa sa mga pangunahing naglalabag ng karapatang pantao sa ating bansa. Isa sa mga trademarks ni Palparan ay ang pag-tawag sa mga aktibista at kritiko ng gobyerno bilang mga “komunista”. Kasama rin sa trademark niya, at ng buong Armed Forces of the Philippines, ang pagpatay at pagdukot sa mga tinatawag nilang “komunista”.

Ang mga institusyon tulad ng United Nations at Supreme Court ay ibinasura ang mga ganitong mga akusasyon ni Palparan at ng AFP bilang “walang basehan”. Ayon naman sa KARAPATAN, isang human rights group, estilo ito ng AFP para gawing katanggap-tanggap sa publiko ang mga ginagawa nitong pagpatay at pagdukot.

Ngayon, bakit ginagawa rin ito ni Noynoy Aquino at ng kanyang kampo? Noong Abril, nag-rally sa harapan ng bahay ni Noynoy ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita kasama ang mga lider-estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas. Ano ang sabi ng spokesperson ng Liberal Party? Proweba daw ito ng alyansa sa pagitan ni Villar at ng CPP (Communist Party of the Phils.). Naaalala ba natin ung sinabi ni Palparan nung dinukot ang mga estudyante ng UP na sila Karen Empeno at Sherlyn Cadapan? Mga miyembro daw sila ng NPA.

Pagkatapos, binanatan naman ng senatoriable ni Noynoy na si Risa Hontiveros ang mga makabayang senador na sila Satur Ocampo at Liza Maza bilang may “unquestionable links” sa CPP-NPA. Noong binatikos ng mga grupo, kasama ang ating KABATAAN Partylist, ang akusasyon, nahuli na pinagkakalat ng mga taga-suporta ni Hontiveros na ang mga bumabatikos ay mga “elemento” ng CPP-NPA.

Andyan rin ang “comics” sa opisyal na website ni Noynoy. Dito, pinapalabas na ang mga nag-welgang manggagawa at manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita noong 2004 ay “kontrolado” ng mga “komunista”. Ito rin ang parehong sinabi ni Noynoy noong ipinagtanggol niya ang Hacienda Luisita masaker.

Wala pa sa pwesto sila Noynoy, kapareho na nila si Palparan at Gloria Arroyo kung magsalita at mag-isip. Ang sino mang kritiko o kalaban nila ay awtomatik na “kaaway” o “komunista”. At alam natin na sa ating bansa, pag ikaw ay bansagan na ganun, bilang na ang mga araw mo.

Bakit hindi ko ibototo si Noynoy? Sa parehong dahilan kung bakit hindi ko iboboto si Palparan, at bakit gusto kong mapatalsik si Gloria: Sa isang lipunang tinatawag na demokrasya, walang lugar ang mga diktador at mamamatay-tao.

Marami ang natuwa dun sa isang video ng KABATAAN na pinalabas sa TV. Ipinakita nito ang Hacienda Luisita masaker at ang ngayo’y uso ng slogan: Hindi lahat ng dilaw ay bayani. Pero hindi pa kumpleto yun. Kasunod nun ay: Kung walang hustisya, walang tunay na pagbabago.

Kung ako ang masusunod, matagal na dapat ipinalabas yung video na iyon. Matagal na dapat isinampal sa mukha ng mga panatiko ni Noynoy ang angkop na metapora ng duguang yellow ribbon. Tumatakbo ang kanilang idolo sa bisa ng pangalan ng kanyang mga magulang, ngunit binahiran na niya ito ng dugo.

Dahil walang balak si Noynoy na humingi ng tawad dahil sa kanyang papel sa Hacienda Luisita masaker (tulad ng kanyang kawalan ng balak na tapusin ang mga private armies tulad ng sa pamilya Ampatuan), at bagkos ay sinisiraan niya pa ang mga biktima, tunay nga na walang pagbabago ang kanyang administrasyon sa administrasyon ni Gloria.

Kapag walang hustisya, walang tunay na pagbabago.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Noynoy Aquino

  1. Pingback: Tweets that mention Noynoy Aquino « -- Topsy.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s