Noynoy

Originally posted on Facebook last Jan. 22, 2010.

Believe it or not, may mga maka-Noynoy sa aking Facebook friends. Believe it or not rin, magalang sila makipag-debate at magpaliwanag, hindi tulad ng mga asong-ulol na makikita mo sa official fan page ng idol nila. Kaya naman sa mahinahon rin na paraan, ipapaliwanag ko bakit hindi dapat iboto si Noynoy sa 2010.

1. Uminit lang talaga tenga ko sa galit ng mabasa ko sa isang dyaryo na pinapalabas ng isang ka-partido ni Noynoy na walang kwenta yung mga isyu na dinadala ng mga nag-Lakbayan na mga magsasaka. Bakit kamo? Kasi ang kanilang grupo, ang KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) ay sinusuportahan ang ANAKPAWIS Partylist, na miyembro ng Koalisyong MAKABAYAN, na ineendorso si Manny Villar.

Ibang klase yung ganung logic. Para bang sinabi mo sa isang tao na wala siyang karapatang mabuhay dahil hindi kayo magkapareho ng paniniwala. At hindi yun OA. Dahil para sa isang magsasaka, importante sa kanya ang lupa. Kung wala siyang lupa, wala siyang ikabubuhay. Kung wala siyang sariling lupa, parati siyang lalamangan ng may-ari sa lupa.

Para i-dismiss nalang ang isyu ng “tunay na reporma sa lupa” ay pagpapakita ng ibang klaseng arogansya sa mga magsasaka.

Kung sabagay, hindi na bago sa kanila yun. Naalala ko nung naganap ang Hacienda Luisita Massacre, medyo bago pa akong estudyante sa UP nun. Nalaman ko pa nga lang yun sa diyaryo ng sumunod na umaga. At tandang-tanda ko yung sinabi ni Noynoy sa Inquirer nun: ang welga ay resulta ng ‘agitation’ ng mga ‘communist infiltrators’. Nanggugulo sila kaya kailangang ibalik ang ‘peace and order’.

Kung totoo man yung kanyang paratang, hindi pa rin dapat binaril ung mga magsasaka. Dahil ang ‘right to strike’ ay isa sa mga karapatan natin sa ilalim ng kasalukuyang Constitution. At kung tutuusin, kahit ang mga United Nations ay matagal ng binasura iyong laging sinasabi ng gobyerno na ang mga protesta ay gawa ng mga komunista.

At talaga namang mapapwelga ka dun. Isipin mo, ang sweldo mo kada linggo ay P9.50. Hindi kada araw, hindi kada ektarya ng lupa na trinabaho mo. Kada linggo. Subukan mo ngang mabuhay kada linggo dun.

Legitimate ang pinaglalaban ng mga nag-lakbayan na mga magsasaka, kasama ang mga mula Luisita. Usaping life-and-death ang usapin ng lupa para sa kanila. Hindi ito dapat isangtabi dahil lang sa nagmumula sa kabilang kampo ang isyu.

2. Sa ideal world, pinipili natin ang ating mga iboboto batay sa kanilang campaign platform, o sa kanilang plano at gustong gawin kung sila ang mananalo.

Sa mundong ito, nagdedebate dapat si Chiz Escudero at Gibo Teodoro hinggil sa wage hike at Oil Deregulation Law. Nagdedebate si Jamby Madrigal at Gibo Teodoro hinggil sa peace talks at human rights violations ng military. At nagdedebate si Bro. Eddie at ang lahat ng iba pang kandidato hinggil sa separation of church and state.

Pero hindi. Ang eleksyon ngayon ay parang isang cheap na perya. Maraming naiinis sa paulit-ulit na mga komersyal ni Villar sa TV. Pero sabi nga ilang taga-suporta niya, kailangan yun laban sa kandidato na ang mga magulang ang dalawa sa pinaka-sikat na Pilipino sa buong kasaysayan natin. At yung mga kandidato na mukhang gustong makipag-debate ng mga plataporma tulad ni Dick Gordon at Nicanor Perlas ay naisasantabi.

Bakit umiikot ang kanyang kampanya sa kanyang pagiging Aquino (“sa ngalan ng aking mga magulang), at sa kanyang pagiging anti-corruption dahil sa kawalan ng mga corruption scandals na nauugnay sa kanya (“hindi ako magnanakaw”)? At bakit kahit iisa na nga lang ang tema ng kanyang kampanya, hindi pa niya maipaliwanag ang mga concrete steps para makamit ito? At paano naman ang land reform, education, etc.?

Kitang-kita diyan ung phobia ni Noynoy sa mga debate. Nung nakaraan lang, may debate hinggil sa foreign policy. Tatlo lang ang nagpakita: si Villar, Gordon, at Gibo. Magkakaroon ng debate sa UP Manila at imbitado lahat. Yun nga lang, magkakaibang araw sila magsasalita. Dun lang napapayag si Noynoy na sumama.

3. Hindi naman ako tulad ng sinasabi ni Manuel L. Quezon III na nababaliw sa galit kay Noynoy. Isa akong pambansa-demokratikong aktibista at kinikilala ko na kahit sino sa mga kandidatong yan ay sa huli’t-huli ay papalpak. Pero magkakaroon na rin lang ng eleksyon, bakit hindi gamitin yun para makahalal ng pangulong “lesser evil”?

Nilapitan na dati pa nila Satur Ocampo at Liza Maza si Noynoy para magmungkahi ng isang makabayang plataporma. Kung pumayag sana si Noynoy, e di sana siya pa ang inendorso. Pero hindi. Ang sinabi pa niya, marami naman daw nakapila para maging kasama niya. Grabe ang yabang.

Ang gusto ko lang ipunto, ang pagboto naming mga aktibista ay batay sa ilang factors: una, kandidato na hindi kadikit si GMA para siguradong hindi siya makabalik sa pwesto o makatakas sa mga kaso na isasampa sa kanya pagbaba ng pwesto. pangalawa, plataporma na kahit papaano ay papakinabangan ng mamamayan.

Paano namin susuportahan ang kandidato na kahit sa pangako pa lang, sablay na?

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s