red scare? reds care?

1.

Mahigit isang buwang bago ang Dec. 15 Board of Regents meeting, naglabas na ang STAND UP ng mga statement ng pagtutuol sa TOFI. Kung tama ang alaala ko, mayroon rin ang Kaisa pero watered-down. Ang Alyansa, naglabas ng statement na nagsasabing “napapanahon” ang pagtaas ng matrikula sa UP.

Noong binarikadahan ng STAND UP ang Quezon Hall para i-pressure ang BOR na harapin ang mga estudyante, makikita ang mangilan-ngilan na mga miyembro ng Kaisa. pero walang mga miyembro ng Alyansa. noong nag-martsa na mula College of Law clockwise sa Acad Oval pabalik ng Q. Hall, halos lahat ng mga dinaanan na mga estudyante ay sumama. pero muli, wala ang Alyansa dito.

Sa interview ng Phil. Collegian sa USC chairperson candidate ng Alyansa noong 2007, inulit niya na “napapanahon” ang pagtaas ng matrikula.

Huwag na tayong magpatali, for now, kung talaga nga bang pro-TOFI ang Alyansa o hindi. Ang pag-usapan natin ay ang lohika sa likod ng ganitong posisyon nila.

2.

Kasabay ng kanilang “napapanahon” na posisyon ay ang panawagan para sa socialized education na para bang consuelo de bobo. Para sa kanila, dapat daw magbayad ang kayang magbayad ng “full cost of UP education” para patuloy na mabigyan ng subsidyo ang mga mahihirap na Iskolar ng Bayan.

Tila maganda nga ang ganitong sistema: ang bawat estudyante ng UP ay maaaring ilagay sa limang grupo na nagbabayad ng P0, P300, P600, P1000, at P1500 kada yunit. Bakit nga ba hindi magbayad ang kayang magbayad ng P1000 at P1500 para sa ikabubuti ng mga di kayang magbayad nito?

3.

Ayon sa propesor ng Araling Pilipino na si Lani Abad, incompatible ang socialized education sa ating bansa. Ang nasabing sistema ay nagmula sa mga bansa tulad ng Estados Unidos, o mga bansang may malaking middle class. Ang mga buwis at dagdag-bayarin, na ipinapataw sa malaking bilang ng mamamayan na kayang magbayad nito, ang ginagamit para mapag-aral ang relatibong maliit na bilang ng mga mahihirap. Tax the prosperous many for the benefit of the needy few.

Ayon sa IBON Foundation noong 2006, 80% ng ating populasyon ay nabubuhay sa halagang di-aabot sa P112 kada araw. Hindi sapat ang P111 pababa para mabuhay ng disente ang isang tao. Ibig sabihin, 80% ng ating populasyon ay hindi pwedeng buwisan para pag-aralin ang natitirang less-than-20%.

Malinaw na wala sa Pilipinas ang social conditions para gumana ang socialized education. Pero pinilit pa rin ito ng UP Admin. Parang sa paggawa ng cookies, gumagamit tayo ng cookie cutter na mayroon ng tukoy na hugis. Pag ginamit na ito sa dough, makukuha nito ang isang parte na kapareho ng hugis, ngunit may maiiwan na dough.

Kaya naman sa kasalukuyan, mayorya ng mga estudyante sa UP ay nasa mga brackets na nagbabayad ng P1000 at P1500.

4.

Maraming dahilan ang binibigay kung bakit nila sinangayunan ang TOFI. Ang paborito ko ay: maipapasa/naipasa na rin lang ang TOFI, mas madaling i-reform ito kesa ibasura ito.

Hindi lang naman ang UP ang SUC (state college/university) kung saan tinangka ng admin na magtaas ng mga bayarin. Kasama rin ang Polytechnic University of the Philippines at Eulogio Amang Rodriguez Insitute for Science & Technology sa Metro Manila (sa PUP, ang panukala ay P12 papuntang P100 kada yunit).

Ngunit sa parehong mga pamantasan, patuloy pa rin silang nagbabayad ng kanilang dating matrikula. Sa dalawang nasabing pamantasan kasi, noong may balita na magtataas na ng matrikula, libo-libong estudyante ang nag-walkout mula sa mga klase nila. Yung sa PUP noong 2008, nagmartsa pa mula Sta.Mesa, Manila papuntang Pasig (kung asaan ang opisina ng CHED). Noong 2009 naman, pinasok ng mga taga-PUP ang bagong opisina ng CHED sa UP Campus at inokupa ito.

Hindi totoo ang dahilan na “mahirap banggain ang admin/gobyerno”. Ang problema, may ilan na sumusuko agad bago pa mag-simula kaya humihina ang laban ng mga estudyante. May mas malala pa: yung organisadong kinakampanya sa mga estudyante na huwag sumama sa mga nasabing pagkilos. May angkop na termino sa ginagawa nila: deliberate sabotage

5.

Dito papasok ang catch-phrase na inaassociate ng lahat ng mga estudyante ng Diliman sa STAND UP: tunay, palaban, makabayan.

(Sa mga mula sa UP Manila, UPLB, UP Baguio, UP Visayas, at UP Mindanao, i-substitute ang STAND UP sa ASAP-Katipunan, Sakbayan, ACS, Samasa, at ANAK, respectively)

Tunay ang kanilang brand of student leadership at activism kumpara sa kanilang mga kalaban. Nagmumula ang pagiging tunay nila sa kanilang dalawa pang mga katangian: palaban at makabayan.

Palaban dahil hindi sila nagdadalawang-isip na makipag-tunggalian sa UP Admin at sa pambansang administrasyon para isulong ang karapatan ng mga estudyante. At makabayan dahil lagi nilang inuugnay ang laban ng mga iba pang sektor ng bayan sa kanilang laban, at dahil ang kanilang sandigan ay ang suporta ng mga ito.

Sa kabilang dulo, may takot na bumangga sa mga admin ng pamantasan ng buong bansa. Parating pakikipag-kompromiso. Hindi kasi nila naiintidihan ang “lakas” ng sama-samang pagkilos at suporta ng bayan.

6.

Ito ang mga naisip ko pagkatapos ng alumni homecoming ng UP Center for Nationalist Studies, ang una kong organisasyon sa UP Diliman. Marami sa kanila ay naging miyembro nung panahon ng “kalituhan”. Marami sa mga aktibista ang nag-iisip nun na hindi na uubra ang mga prinsipyo ng sama-samang pagkilos at pagiging palaban at makabayan.

Ang kwento pa nga nila, noong naghati ang SAMASA (ang dating STAND UP), minorya lang ang tumindig na totoo parin ang mga nasabing prinsipyo. Ang minorya na ito ang magbubuo ng STAND UP. Sa unang taon nila, walang nanalo sa mga kandidato nila sa kahit aling student council sa Diliman.

Sink or swim, yun ang kondisyon nila noon. I-justify ang existence, o tuluyang mawala sa eksena ng Pamantasan.

Regular nilang tinatalakay ang mga campus at national issues. Mukhang dito nagsimula ang tinatawag na four o’clock habit ng mga aktibista kung saan magkikita sila pagkatapos ng klase para sa mga diskusyon. Bilang basic, nagsumikap silang matapos basahin ang PSR (Phil. Society & Revolution) sa pinaka-mabilis na pagkakataon. Kahit ang mga sulatin ng mga classical at contemporary Marxists na kinakatakutan ngayon dahil boring ay nilamon nila.

7.

Limang taon pagkatapos, noong 2000, tatalunin ng STAND UP ang SAMASA sa isang landslide victory sa University Student Council at sa iba pang mga konseho. Tinalo ni Mong Palatino (miyembro rin ng CNS at ngayon kongresista sa ilalim ng Kabataan Partylist) si Mariz Umali ng SAMASA (oo, yung reporter nga!).

Kung tutuusin, maraming pagkakapareho ang sitwasyon noon at sitwasyon ng mga alumni ng CNS. Inaatake ang mga prinsipyo natin na laos, outdated, at kung ano ano pa. May ako mismo na solusyon sa pagbabago, at hindi iniisip ang imperyalismo at pyudalismo. Tulad rin noon, nagtaas ang matrikula sa UP.

Pero nagpunyagi ang mga Iskolar ng Bayan. At hindi nakapagtataka na ang taon na muling nahawakan ng mga ‘pula’ ang mga konseho sa UP ang simula ng wakas ni Joseph Estrada.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

3 Responses to red scare? reds care?

  1. Cleve says:

    Si Mariz na galing UP Manila?

    • radulce says:

      Hindi ko alam na galing UP Manila siya. Pero nakita ko na kasi sa lumang edition ng Phil. Collegian ung announcement ng pagkapanalo ni Mong over sa kanya.

  2. Joey says:

    Sabi ni sir doti dati daw ASAP KATIPUNAN si Mariz Umali. Hindi nabantayan at napatnubayan napunta sa bulok na version ng SAMASA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s