Si Mar Roxas talaga

Bakit ang KABATAAN Partylist at sila Satur Ocampo at Liza Maza lang angpinapasalamatan ng mga estudyante at mga magulang hinggil sa pag-basura ng 1700% Tuition Fee Increase? Ano bang ginawa nila? Nagpahayag lang naman sila ng suporta sa mga estudyante. Nagsilbi lang naman silang tulay para makapag-diyalogo ang mga estudyante, ang Commission on Higher Education, at PUP Administration. Sila lang naman yung nagsusulong ng mas mataas na budget sa edukasyon tuwing inaayos ng Kongreso ang pambansang budget. Sila lang naman yung kasama sa mga nagpanukala ng batas na magbabawal sa pagtaas ng matrikula ng tatlong taon.

Dapat, pasalamatan rin natin si vice-presidentiable Senator Mar Roxas. Bakit?

Si Mar Roxas ang tunay na lumaban kontra sa TFI sa PUP. Katunayan, siya yung nakapag-isip ng ideya na sunugin yung mga sirang upuan. Sa unang araw pa nga lang ng mga protesta, isa na siya sa mga nambabato ng mga upuan.

At hindi lang yun. Napakarami na ng ginawa ni Mar para sa ating bansa. Pero talaga naman tayong mga Pilipino, mga ingrata talaga.

Si Mar ang nagpatalsik kay Erap. Hindi ang mga milyon-milyon na nasa EDSA Shrine noon at yung mga nagmartsa papuntang Mendiola. Kung hindi siya kasama sa mga iyon, hindi masisindak si Estrada at mapilitang lisanin ang Palasyo.

Si Mar ang tunay na naglabas ng “Hello Garci” tapes. Siya ang tunay na nag-rekord ng usapan ni Garci at ni Gloria. Nais niyang lumabas ang katotohanan ngunit sobrang humble niya na ayaw niyang mailagay sa spotlight kaya binigay niya nalang ito sa iba para angkinin na siya ang may mother of all tapes.

Si Mar ang nagpatalsik kay Marcos. Siya ang nag-utos kila Ramos at Enrile na magtangkang mag-coup laban kay FM. At nung nabigo ito (kasi hindi si Mar yung command), siya ang personal na nanawagan sa Radyo Veritas na pumunta na ang mga Pilipino sa EDSA.

Si Mar ang tunay na mahirap.

E di ako? Hindi, si Mar.

Si Mar ang nagpalayas sa mga Hapon mula sa ating bansa. Bilang second-in-command ng USAFFE (United States Armed Forces in the Far East) AT isang commander ng HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), siya ang may pinaka-malaking indibidwal na kontribusyon sa pakikibakang kontra-Hapon.

Si Mar ang Ama AT Utak ng Rebolusyong 1896 AT ang Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya rin ang tunay na bayani ng Tirad Pass.

Si Mar ang pumatay kay Magellan, gamit ang Mar Juitsu, ang pinaka-unang martial arts na siyang pinagmulan ng lahat ng mga iba pang martial arts ngayon.

Tinalo ni Mar si Chuck Norris.

Si Mar ang naka-imbento ng gulong sa ancient Mesopotamia.

Si Mar ang nakadiskubre ng apoy.

Si Mar ang tunay na yumari kay Eba.

Si Mar ang nagsabing “Let there be light“.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

7 Responses to Si Mar Roxas talaga

  1. skeptic says:

    this is so funny…

    mag-isip naman kayo, not just your alliance with Satur/ Masa.

    use your brain. kaya di umaasenso ang Pilipinas dahil kung anu-ano lang ang pinaniniwalaan niyo.

    • radulce says:

      Okaaaaaaaay.

      Ano yung “ano ano lang” na “pinaniniwalaan” namin? If you are referring to Mar’s claims na he stopped the PUP tuition hike, I suggest you click the link before making any claims that this is just “black propaganda”. And you can go check the Senate website to confirm the existence of Mar’s claims. Existence, not truth, mind you.

    • radulce says:

      I-copy paste ko lang yung press release ng Mar campaign na nareceive ko:

      PRESS STATEMENT
      Mar Roxas for Vice President
      Balay Aquino-Roxas, Cubao, Quezon City

      March 30, 2010

      SA MOSYON NI ROXAS, 17O% TUITION HIKE IBINASURA NG PUP

      Bilang pagtugon sa hiling ni LP vice-presidential bet Senator Mar
      Roxas, ibinasura kahapon (Lunes, 29 Marso) ng Board of Regents ng
      Polytechnic University of the Philippines ang panukala ng state
      university administration na 17-ulit na pagtaas sa tuition at
      miscellaneous fees sa P200 kada unit mula sa dating P12 lang na
      gagamitin umano para sa pagpapaayos ng unibersidad.

      Sa isang pulong nitong Lunes ng hapon, inaprubahan ng lahat ng siyam
      na miyembro ng PUP BoR ang mosyon ni Dr. Mario Taguiwalo, kinatawan ni
      Roxas bilang chairman ng Senate Education Committee, na ibasura ang
      panukalang tuition at miscellaneous fee hike sa PUP.

      Nauna rito, iginiit ni PUP President Dante Guevarra na lubhang
      kailangan ng unibersidad ang tuition hike para maging P200 kada unit,
      o P4,800 para sa isang 24-unit semester para sa mga incoming freshmen
      ng laboratory-intensive courses gaya ng Engineering at Computer
      Management upang mabigyan sila ng mas maayos na pasilidad.

      Dumalo sa nasabing pulong sina Commission on Higher Education Chairman
      Emmanuel Angeles, PUP President Dante Guevarra, Alumni Regent Rene
      Tanasas, Faculty Regent Rufo Bueza, Student Regent Donnavie Pascual,
      Private Sector Regent Marcial Magsino, NEDA Regent Margarita Songco,
      Dr. Mario Taguiwalo (representative ni Senate Regent Mar Roxas) at
      Armi Dayot-Corpuz (representative ng House of Representatives).

      Isinagawa ang pulong kasunod ng marahas na protesta ng mga estudyante
      ng PUP sa PUP main campus sa Sta Mesa, Manila at tanggapan ng CHED sa
      Quezon City noong nakaraang lingo.

      Nu’ng umaga ng Lunes ay nagdesisyon si Guevarra na bawiin na ang
      kasong robbery with intimidation and violence laban sa limang
      estudyante na inaresto ng mga miyembro ng Manila Police District noong
      nakaraang lingo dahil sa pangunguna sa indignation rally sa PUP
      campus, at pagkuha at pagsisira ng mga gamit sa unibersidad.

      Mahigit 32,000 estudyante ang nag-aaral sa PUP main campus sa Sta.
      Mesa. Mayroon ding 21 campuses ang naturang unibersidad sa buong
      bansa.

      -30-

    • skeptic daw siya o says:

      Beverly N., mas nakakatawa na nang-aatake kang “use your brain” pero di mo ma-expound nang maayos ano yung argumento mo (at syempre, mas lalong nakakatawa na yung linyang yan, sinamahan pa ng walang grammatical sensibility at logical continuity na “mag-isip naman kayo, not just your alliance with Satur/ Masa.”) Alamin mo muna kasi yung konteksto nung article, okay? Kaya di umaasenso Pilipinas dahil sa mga iskolar na pinag-aksayahan lang ng pera ng bayan dahil nagtapos na pulpol ang pagsuri at wala namang makabuluhang naibabahagi sa pagpawi ng social divide.

  2. Pingback: Facebook Tacticians « Kapirasong Kritika

  3. dyos ko po! mar naman! hindi ikaw! kundi ang mga iskolar ng bayan ang dahilan!

  4. Pingback: Mar Roxas reveals his secret « Secret Garden

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s