Sinong Takot sa Isang Exhibit?

Originally posted on Facebook on September 6, 2009.
Gabi ng Thursday, nagaayos ang mga miyembro ng KARATULA sa UP Manila ng isang exhibit hinggil sa mga National Artists. Bukod sa paglista ng iilang mga Alagad ng Sining, may kasama rin na mga infamous na mga pulitiko na iprinisenta rin na parang National Artist. Halimbawa, si Gloria Arroyo ay National Artist for Culinary Arts at Dancing. Si Bayani Fernando ay sa Sculpture at Painting. At si Cerge Remonde sa Fiction Writing.

Umaga ng Friday, hindi na makita ang exhibit sa College of Arts & Sciences Lobby ng UP Manila. Mukhang hindi lang mga tao ang nagiging desaparacido ngayon. Walang umaamin, pero madali naman sundan yung patak ng dugo mula sa mga kamay.

Sino nga ba ang takot sa isang exhibit? Ano ang dapat ikatakot nila sa isang exhibit?

Andyan ang UP Administration, ang Armed Forces of the Philippines, at kahit ang mga lokal na mga grupong kontra-estudyante sa loob mismo ng kampus.

Parang pila sa pelikula ni Piolo ang listahan ng mga pagsupil ng Admin sa mga karapatan ng mga estudyante: ang pag-harang sa pag-upo ng hinalal na Student Regent, o representante ng mga estudyante sa pinaka-mataas na policy-making body ng buong UP, ng ilang buwan; nagpanukala ng bagong Student Code sa UP Diliman na hindi man kinonsulta ang mga estudyante at punong-puno ng mga kasuklam-suklam na mga patakaran; pagtutulak na magkaroon rin ng katulad ng Student Code ang mga ibang UP unit; mahigpit na sistemang No ID No Entry sa UP Manila at sa mga dormitoryo ng UP Diliman; pag-banta ng expulsion sa mga estudyanteng sasama sa rali sa UP Pampanga; pagtanggal ng mga bulletin boards sa maraming parte ng UP Diliman; pagpapa-aresto sa mga lider-estudyante ng UPLB dahil lang kinakausap nila ang mga iba pang estudyante;

BAYAN-Southern Tagalog, 2005
Kung pila ng pelikula ni Piolo ang listahan ng UP Admin, marahil ay unang pagpalabas ng “Titanic” ang sa AFP. Andyan ang paghirang sa isang opiser ng AFP bilang Dekano ng Student Affairs sa UPLB; ang pag-lecture ng mga opisyal ng Army sa mga estudyante ng ROTC sa UP Visayas na “tumulong” “limitahan ang kalayaan” ng League of Filipino Students; ang pagpasok ng mga sundalo sa loob ng SSB, o grupong supplementary sa mga sikyu, sa UP Diliman; ang pagbansag sa mga miyembro ng University Student Council, kanilang student publication, at ng isang student party, sa UPLB, bilang mga “komunistang terorista”;

Para sa AFP, siguradong ito ay paghahanda sa “deadline” ni Gloria Arroyo. Sa bawat option ng kanyang Rehimen para manatili sa pwesto lagpas 2010, importante ang pigilan ang mga kampus ng UP na maging sentro ng protesta. Ito man ay sa paraan ng failure of elections at pag-deklara kay Arroyo ng Kongreso bilang “acting president”, hanggang sa paglunsad ng Constituent Assembly na bunga ng automated cheating, o kahit ang lantarang “emergency rule”, kailangan i-kadena ang mga Iskolar ng Bayan.

Para naman sa UP Admin, ito ay paghahanda para sa mga susunod nitong tangka na mas gawing kalakal ang edukasyon kesa karapatan. Sumusunod pa rin ang UP Admin sa dogma na ginamit nito noong ipinasa ang Tuition and Other Fee Increase noong 2006: ang edukasyon ay karapatan lamang hanggang sa antas ng hayskul. Ayon pa sa inisyal na ulat ng opisina ni Kabataan Representative Palatino, lagpas-bilyon ang kaltas sa badyet ng UP sa 2010. Ito na siguro ang pinaka-malakaing badyet cut sa kasaysayan ng UP, kung hindi ako nagkakamali. Ito rin ay magbubunsod ng mas maraming pagtaas ng mga bayarin, pag-labag sa karapatan ng mga kontraktwal na manggagawa ng UP, at pag-benta sa mga resources ng UP (intellectual, real estate, etc.) sa mga dayuhang korporasyon.

Maaaring ang pag-tanggal sa exhibit ng KARATULA sa UP Manila ay isang maliit na “hakbang” lamang, pero ito siguro ang unang putok sa papatinding gera ng kasalukuyang Rehimen laban sa mga estudyante. Nagtatakda na ang UP Admin ng mga limitasyon sa mga karapatan natin: sa Freedom of Expression, basta hindi siya kritisismo; sa freedom of organization, basta hindi kontra sa kanila ang layunin, at sa peaceful assembly, basta hindi sila tutol sa tunguhin;

At kung ang kasalukuyan ay isang gera ng Estado laban sa mga karapatan ng mga estudyante, meron ring mga Makapili o Macabebe. Yung pangatlong grupo na binanggit natin na maaaring sangkot sa pagtanggal nung exhibit.

Para sa akin, sila ang pinaka-masahol sa tatlong nabanggit. Kasi, wala naman na tayong inaasahan na matino mula sa AFP o sa UP Admin. Kung babalikan natin ang teorya ng “base and superstructure”, makikita natin na ang dalawa ay mga institusyon na bungga ng kasalukuyang “base”, o ang kalagayang panlipunan natin. Kaya natural na sila ay ipagtanggol ang kasalukuyang kaayusan. Pero yung makita ang mga kapwa estudyante mo na sinusulong ang mismong kapahamakan ng mga kapwa nila, ibang klase na talaga yun.

Sa madaling salita, sinasabotahe nila ang mga laban ng mga estudyante. Sa pagpili ng Student Regent noong nakaraan, sinasabi nila na hindi daw haharangin ng UP Admin ang kahit sinong mahirang natin. Anong nangyari? Ilang buwan na hindi pinaupo si SR Bañez. Sinuportahan nila ang pagtaas ng matrikula. Pinapalakpakan nila tuwing ginugulpi, sinasaktan, at pinapatay ang mga estudyanteng tumtutol.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s