the battle of march 24

Kuha ni Trina Federis

Malamang lahat ng mga estudyante, kahit sa mga paaralang hindi sangkot sa mga nasabing protesta, ay nakakaalam nito: kahapon, naglunsad ng sabay-sabay na mga protesta ang mga estudyante ng UP Diliman, UP Manila, UPLB, at PUP-Sta. Mesa. Sa Diliman, napanood ng milyon-milyon sa mainstream media ang pambabato ng pintura sa isang opisyal ng UPLB. Sa Sta. Mesa, tinangkang dalhin ang mga tanyag na ngayon na mga upuan sa opisina ng CHED sa Diliman. At sa CHED mismo, winasak ang nakakandadong gate ng tanggapan at binato ng pintura ang glass entrance nito.

Ang malamang na hindi ipinakita ng media (at hindi pinansin ng mga inaasahang kritiko ng mga nasabing mapaganahas na aksyon) ay ang mga naging resulta nito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang termino, lumabas ang pinuno ng Commisson on Higher Education na si Angeles para harapin ang mga estudyante na humihingi ng diyalogo. At hindi lang iyon, sa wakas ay nagpahayag siya na wala na daw Tuition Fee Increase sa Polytechnic University of the Philippines. Sa University of the Philippines naman, hindi natuloy ang Board of Regents meeting kaya hindi naipatupad ang P200 P.E fee, Large Class Policy sa UPLB, at tuition fee increase sa mga graduate school courses.

"Isang Bagsak!" Kuha ni Aiess Alonso.

Ika nga ng paborito kong blogger na si Teo Marasigan, “Malayong sekundarya ang tagumpay na lumabas sa midya. Ang mahalaga ay ang maipaglaban ang interes ng mga estudyante nang kasama sila“. Sa UP, pansamantalang natigil ang implementasyon ng mga nasabing patakaran. Dahil walang BOR meeting sa susunod na buwan (dahil panahon ito ng graduation), maaaring hindi na mapatupad ang mga polisiyang ito hanggang pasukan. Sa PUP naman, hangga’t tutupad si Angeles sa kanyang mga salita, mananatili ang pamantasan na taga-bigay ng edukasyon para sa masang anakpawis.

Maaari ko ng sabihin na Sa wakas, natuto na ang mga (ibang grupo ng mga) taga-UP sa kasaysayan! at na-imbibe na ang kasabihang The revolution is not a dinner party, or writing an essay, or painting a picture, or doing embroidery; it cannot be so refined, so leisurely and gentle, so temperate, kind, courteous, restrained and magnanimous. Dahil sa totoo lang, ang pagtagumpay ng militansya ay karaniwang eksena sa pakikibaka ng mga batayang sektor para sa kanilang mga karapatan: Sa mga manggagawa, sa welga humahantong ang breakdown ng mga negosasyon sa pagitan ng unyon at ng management. Sa mga urban poor, sila ay palagiang nakikipag-tulakan at pukpukan sa mga MMDA na determinadong gibain ang kanilang mga bahay.

Dumadami nanaman ang mga isyu, lalo na sa pambansang antas, na kinakaharap ng mga kabataan at mamamayan: oil price hike, electricity hike, bogus partylist groups, failure of elections, threat of martial law, etc. Labas pa sa direktang benepisyo ng mga estudyante (at magiging estudyante pa lamang) ng UP at PUP, ang dakilang araw ng Mar. 24 ay nagsisilbing inspirasyon sa mga estudyante ng iba pang paaralan at mga ibang sektor para igiit ang kanilang mga karapatan. Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan!

2.

Mula noong simulan ng mga taga-PUP ang pagsusunog ng mga gamit bilang protesta, maraming mga estudyante, lalo na sa mga ibang paaralan, ang natututong magsalita. Sa wakas, nadidiskubre na nila ang kanilang mga boses para umalma. At pagkatapos ng mga maaksyong pangyayari kahapon, mukhang dumadami pa ang mga estudyante na nadidiskubre ang kanilang boses. Kahit ang mga konserbatibo, yung mga hindi mo makita o marinig sa mga ginugusto nilang mga “civil” na aksyon, ngayon ay nag-aalboroto sa ginawa ng mga taga-UP at PUP kahapon. Ani nila, dinudungisan daw ng mga ibang estudyante ang reputasyon ng kanilang mga pamantasan.

"Baliktarin ang Daigdig" Kuha ni Aiess Alonso.

Marami sa mga biglang nag-iingay ngayon ay nagbabandila ng ideya ng multiplicity of valid ideas, o ang kaisipang may mga iba’t-ibang pananaw sa kada isyu na maaaring magkasalungat, ngunit parehong tama o makabuluhan. Magandang itanong sa kanila, ano ang inyong batayan ng validity? Hindi ba ang pagkakaroon ng konkretong resulta ang numero unong batayan kung valid ang isang pananaw/teorya o hindi? Bakit ngayon, nagagalit sila sa isang aksyon na nagbigay ng tagumpay sa mga estudyante? Irrelevant ang kanilang mga dinadalang codes of conduct. Pero ang malinaw, kahit sila ay hindi consistent sa kanilang paninindigan: bukas lang sila sa consensus basta hindi ito salungat sa kanilang mga ideya. Para lang ideya ng demokrasya ng Armed Forces of the Philippines.

Kuha ni Trina Federis

Mas matindi pa ang kritisismo ng ilan sa mga kaibigan ko sa Facebook: ayon sa kanila, ang mga taong tumutuligsa doon sa naganap na mga pagkilos sa PUP at UP ay yung mga parehong tao na wala naman noong mga mapayapang paraan, ang nilulunsad. Sa personal kung karanasan, masasabi kong totoo yun. Hindi ko nakita ang kahit sino sa mga iyan sa kahit alin sa mga rally sa mga nakaraang UP BOR meetings kung saan naglulunsad lang ng programa sa labas ng opisina at hinihintay na pansinin ni Roman na parang mga kawawang tuta. Hindi ko nakita ang kahit sino sa mga iyan na magpaliwanag sa mga klase hinggil sa mga isyu sa kampus.

"Unholy Trinity" Kuha ni Aiess Alonso.

Kung ang pagbabatayan rin natin ay ang scientific method, hindi kataka-taka kung bakit todo-todo ang galit nila sa mga ginawa natin kahapon at noong mga nakaraang araw. Ang lahat ng kaalaman ay nagmumula sa direct knowledge (hypothesis -> experiment -> resulta ng experiment -> kung tumugma, nagiging kaalaman). Wala sila noong mga serye ng protesta noong 2006 kung saan hindi pinapansin ng UP Admin ang panawagang wag ituloy ang 300% Tuition & Other Fee Increase. Wala sila noong niloko ng BOR ang mga estudyante noong Dec.15, 2006, at patagong ipinasa ang TOFI. Wala sila sa napakaraming mga pagkilos mula noong araw na iyong hanggang sa bago kahapon. Kaya nakakapag-insist sila na panatiliing sibil ang mga protesta, kasi hindi nila naranasan at na-realize ang futility ng kanilang iminumungkahi.

Ang sabi nga ni Einstein, insanity is doing the same thing over and over again and expecting different results. Mukhang may outbreak ng kabaliwan ngayon sa UP.

3.

Ang panawagan kahapon ng KABATAAN Partylist sa diyalogo sa CHED, emergency budget allocation for education. Tama nga naman. Ang laging dahilan ng mga school admin sa pagtataas ng mga bayarin, kulang ang budget. Pero hindi ito maging excuse sa pagtataas ng mga bayarin.

Lalo pa’t may tagtuyot ngayon sa bansa, siguradong marami sa mga nakatira sa kanayunan (lalo na ang nakasalalay ang kabuhayan sa sektor ng agrikultura) ang mahihirapang magbayad ng matrikula ng kanilang mga anak. Doble-pasakit kung magtataas pa ng mga bayarin sa mga state colleges and universities ngayon.

Dapat, nagkakaisa ang estudyante at Admin na militanteng igiit ang EBF sa rehimeng U.S-Arroyo. Ang panawagan ko sa mga admin ng UP at PUP, at sa mga nagkokondena sa mga pagkilos kahapon, put your money where your mouth is. Sumama sa pambansang araw ng protesta para sa dagdag-budget sa edukasyon sa darating na Lunes, March 29.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to the battle of march 24

  1. non-non says:

    tama lang yan!
    na mangyari sa ating gobyerno!!
    sna pati dito sa university namin ay ndi magtaas ng tuition!
    kundi yan rin ang mangyayari sa admin. ng school namin!!!
    mabuhay!!

    KABATAAN PATY-LIST
    catbalogan city samar

  2. Pingback: Justifiable actions « Chantal's Doodles

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s