the buck stops here

Galit, gigil, disappointment, heartbreak, bitterness. Samu’t-saring mga kaibigan at kakilala ko pagkatapos panoorin ang Harapan ng ABS-CBN kanina. Hindi ko sinasabing walang bias sa mga iba’t-ibang aspeto nung palabas, pero masyadong madali at convenient ang isisi lahat doon. Pamilyar siguro ang mga aktibista sa mga terminong objective conditions at subjective forces. Objective condition ang pagkakaroon ng mga bias sa ilang detalye ng palabas (tulad ng hindi paglabas ng mga text votes at live chat votes kung saan tinambakan naman ni Satur Ocampo si Jovito Palparan), parang ang malakas na buhos ng ulan o matinding sikat ng araw tuwing may-rally. Wala ka ng magagawa para pigilan yun. Pero bilang subjective force, kaya mong mag-adopt sa sitwasyon.

Ganun din ang kampanya ngayon para sa mga makabayang kandidato at partido. Objective condition na pagtutulungan tayo. Hangga’t tahimik tayo at hindi tinitignan na threat sa kasalukuyang kaayusan, hindi tayo papansinin. Tulad ng mga nakaraang protesta sa Polytechnic University of the Philippines at University of the Philippines, uulanin tayo ng batikos mula sa ibang mga kampo at seksyon sa oras na inaalog na natin ang tahimik na kaayusan, o rock the boat ika nga.

ang online poll ng ABS na di pinakita sa TV

Numero uno na dyan ang militar. Pagkatapos, yung mga big businesses (kasama ang corporate media) na natatakot sa mga maka-manggagawa na mga interes natin. Tapos, andyan pa yung mga kunyari ay pluralists pero takot sa kahit anong aktwal na pagbabago. Tulad ng professional wrestling na napapanood natin nung bata-bata pa tayo, tatlo o mahigit pa ang bumubugbog sa bida.

Pero yung bida, gaano man siya kaawa-awa, kakampi niya ang audience. At yung mga kontrabida, gaano man nila idinkdik sa lupa ang kaaway nila, minumura pa rin sila. Sa isang banda, ganun rin naman tayo ngayon. Kahit sa mainstream statistics, hindi dapat tayo sobrang panghinaan ng loob. Halimbawa, i-assume mo na ang bilang ng mga nakukuha nating boto sa partylist ay puro mga miyembro lang natin. Di-hamak na mas malaki ang bilang na nakukuha ng ating dalawang Senatoriable kesa sa naunang bilang.

pangalawang online poll ng ABS-CBN

Pero binobola rin natin ang isa’t-isa kung magpapatali tayo dito. Sabihin man natin, halimbawa, na kung 22% talaga ng lahat ng Pilipino ang sumusuporta kay Ka Satur at malaking bilang na ito kumpara sa kasapian natin. Pero sa huli’t-huli, talo yun. O kahit umabot man lang sa mayorya, hindi. (Pero ang biruan nga sa bahay, OK na ang 22%, halos yan naman ang kailangan na bilang ng mga taga-suporta sa isang bayan para sabihing pinalaya na ito ng rebolusyonaryong kilusan.)

Babalik tayo sa usapin ng subjective at objective. Aasahan natin ang pag-resbak sa atin. Pero ang importanteng tanong, paano tayo, bilang subjective forces, ang nag-aadopt sa kondisyon na ito? Magandang istorikal na ehemplo ay ang eleksyon sa U.S pagkatapos World War 2. Ang pinalabas ng midya noon ay matatalo ang kandidato ng Democratic Party na si Harry Truman laban kay Thomas Dewey ng mga Republicans. Tanyag ang litrato kung saan pinakita ni Truman ang isang diyaryo na ang headline ay ang pagkatalo niya.

balitang may kinikilangan

Ika nga mismo ni Truman, the buck stops here. Kung may dapat umako ng pina-malaking responsibilidad sa naging resulta ng Harapan, ito ay bawat isa sa atin na makabayan. Ang mga aktibo sa atin ang mismong makakapagsabi na pag-alam nila ang nagawa ng ating mga partylist at ng dalawa nating senatoriable, ang mga akusasyon na tayo’y mga terorista etc. ay para lamang natapon na tubig sa laminated na ID. Kailangan nating pag-igihan ang pagpapaliwanag sa mamamayan, lalo na sa mga komunidad at hindi lang sa loob ng pamantasan. Ika nga ni Mao Zedong, kailangang i-isolate at ilantad ang Kanan (ang mga todo-kontra sa pagbabago) para mahamig ang nasa Gitna (mga hindi pa pumapanig).

Sa mga sinsero, at hindi lang nang-aasar, na nagtatanong, ito ang mungkahi kong ilang mga punto:

  1. Una sa lahat, ang mga tindig ng ating mga kandidato at partido sa mga araw-araw na problema at isyu ng mga Pilipino. TAYO lang ang naninindigan para sa libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka, P125 na dagdag-sahod sa mga manggagawa, pagpigil sa pagtaas ng matrikula, pag-alis sa mga buwis tulad ng E-VAT, atbp. TAYO lang ang may lakas ng loob na sabihin ito dahil tayo ay beholden sa mamamayan, at sa mamamayan lamang.
  2. Pangalawa, ang ating mga nagawa sa loob ng Kongreso. Bagama’t hinarang ang pork barrel ng mga partylist natin mula 2005, tayo ang pangunahing gumawa at nagtulak ng mga batas tulad ng abolition of death penalty, overseas absentee voting, Magna Carta of Women, tax relief for minimum-wage earners, housing rent control, anti-violence against women & children, anti-human trafficking, at strengthening of Public Attorney’s Office. Marami ring mga panukalang-batas mula sa atin na nakasalang pa, tulad ng Genuine Agrarian Reform Bill, P125 wage hike bill, at three-year tuition increase moratorium bill.
  3. Pangatlo, ang ating pagkilos sa loob man o labas ng parlyamento. Hindi natin napigilan ang pagtaas ng matrikula sa PUP sa loob ng Kongreso: ginawa natin ito, kasama ang dalawang senatoriables, sa pakikipag-tulungan sa mga mismong apektado. Bukod sa isang presidentiable, wala ni isang ibang pambansang kandidato ang sumama sa atin. TAYO lang ang kayang kumilos para ipagtanggol ang interes ng isa’t-isa.

Medyo nakakapang-hina talaga ng loob. Pero ang naaalala ko sa ganitong panahon ang sinabi ni Perseus sa Clash of the Titans:

Someday, someone’s gonna stand up to the powers that be and say ‘ENOUGH’. That day is now.

P.S Sa mga todo-kulit, paalala: sa ilalim ng tatlong administrasyon ipinakulong dahil siya daw ay mamamatay-tao. Tatlong beses rin siyang pinalaya ng Korte dahil walang katotohanan ang mga ito. Wag kang mag-magaling sa ating Supreme Court, sa U.S State Department, at sa United Nations. Ang tatlo ang nagsabing dawit ang kandidato niyo sa human rights violations, si Palparan at hindi si Satur.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s