Tuloy ang Laban

Originally posted in Facebook on August 6, 2009.

Habang hinihintay ko sa Luneta kanina na dumaan yung kabaong ni Cory, may naikwento sa akin yung isang matandang aktibista.

Sabi niya, pagkatapos daw lumabas yung mga dinayang resulta ng snap elections, nag-usap si Cory at si Peping Cojuangco. Ang sabi ni Cory sa kanyang kapatid, mag-organisa sila ng rali para kondenahin yung dayaan. Pumayag si Peping, at nag-mungkahi na gawin sa Plaza Miranda. Ang gusto naman ni Cory, sa Luneta. Sabi ni Peping, mas maganda daw sa PM para hindi “umalog”. O ibig sabihin, para hindi halata kung kaunti lang ang dadalo. Ang sabi ni Cory, kung hindi daw dadalo yung mga tao, hindi niya itutuloy ang laban.

Sa lahat ng mga nabasa o naikwento sa akin tungkol kay Cory, ito na ang tumampok sa akin. Dahil ipinakita nito ang isang side ni Cory na natabunan sa media overkill ngayon: ang side ng mamamayan. May pagkakataon na lumalabas na si Cory ang single-handedly nag-balik ng ‘demokrasya’ sa bansa at nag-taboy sa diktadurang Marcos. Pero batay dun sa naikwento sa akin, mukhang hindi naman niya inisip o sinabi yun. Siya mismo ay kumikilala sa naging papel ng mamamayan.

Ika nga ni Che Guevara, “There is no such thing as (a) liberator. The people are (the) liberators themselves”.

Kung nararapat tawagin si Cory na “Ina ng Demokrasya”, ito ay dahil kumilos ang buong “pamilya”: ang mga ‘anak’ tulad ni Edjop, Lorena, Eman, Lean, Charlie; ang mga ‘ama’ tulad ni Ka Bel, Ka Togs, Propesor Sison, Propesor Atienza;

__________________________

________________________________________________________

Habang nagmamartsa kami kasunod ang truck na nagdadala sa kabaong, may nagsimula ng chanting: “Sigaw ng Bayan! Tuloy ang Laban!”. Sabay taas ng kamao. Yung iba naman, naka “L” ang mga daliri. Pero iisa lang yung sigaw: “Tuloy ang Laban!”. Yung mga kasama naming manggagawa sa KMU. Yung mga miyembro ng Filipino-Chinese community. Yung mga kolehiyala. Yung mga makukulit na highschool students na naka-uniporme pa. Yung mga nanay. Yung mga tambay sa kanto. Lahat, kahit sino.

Hindi nakapagtataka bakit naging matining ang sigaw na ito. Noon, ang laban na dapat ituloy ay yung laban kontra-diktadurya. Isang milestone dun yung pagpatay kay Ninoy. Ang naging dating, pag pinatay ang isa sa mga pinaka-maingay na mga kalaban ni Marcos, tatahimik ang mga tao. Kaya, tuloy ang laban. Isa pang milestone yung pagtakbo ni Cory sa snap elections, at yung pandaraya. Kaya, tuloy ang laban.

May mga nagdedebate pa rin kung ano talaga ang legacy ni Cory: demokrasya ba o pagkawala lang ng isang dictatorship? anong mga reporma ang naipatupad?

Ngunit ano man ang sagot, malinaw na ito ay nababawi na uli sa ilalim ni Gloria. Si FG ang bagong “crony”. Lagpas libo na ang mga pinatay ng mga death squads ng militar, at daan-daan na ang dinukot. At mukhang walang balak si Gloria bumaba sa 2010. Bagkos, gusto niyang maging Prime Minister sa pamamaraan ng Charter Change.

Kaya tuloy ang laban. Tuloy ang laban kontra-diktadurya. Naging laban ito ni Cory noong 80s, laban kay Marcos. At noong nag-retiro na siya, tinuloy niya ang laban na ito: sa EDSA 2, at mula noong 2005, nung nanawagan siya ng pagbitiw ni Gloria at nanawagan na tutulan ang Charter Change.

____________________________________________________________________________________

Bukod dun, tuloy rin ang isa, at mas mahalaga, na laban.

Marami, lalo na ang journalist na si Patricia Evangelista, ang nakapansin rin sa mga pagkukulang ni Cory at hindi nangimi na bigyang pansin ito ngayon: ang kanyang pagkukulang sa uring magsasaka, lalo na sa Mendiola Massacre noong 1987 kung saan walang nanagot para sa masaker, sa tinuligsang Comprehensive Agrarian Reform Program, at sa asosayon niya sa mga may-ari ng Hacienda Luisita kung saan pitong magsasaka ang pinatay sa masaker noong 2004.

Tapos, hindi rin ramdam ang demokrasya ngayon, lalo na sa bituka. Nangangailangan ang mangaggawa ng di-bababa sa P904 kada araw para buhayin ang pamilya niya, pero kumikita lamang siya ng P382. Pito sa bawat sampung magsasaka ay walang sariling lupa kaya napipilitang magtrabaho sa di-pantay na mga kasunduan. Isa sa kada anim na kabataan ang hindi makapag-aral dahil lang kahit pamasahe at pagkain di kayang bilhin ng mga magulang. At milyon-milyon ang napapalayo sa kanilang pamilya para lang hindi mamatay ng gutom.

Kaya tuloy ang laban. Tuloy ang laban para sa ganap na demokrasya at hustisyang panlipunan. Hindi lang yung demokrasya na nangangahulugan na hindi tayo pinamumunuan ng diktador, kundi yung demokrasya kung saan hindi tayo nagiging alipin para lang maghanapbuhay.

Sabi nga ng bandang Rage Against the Machine, sa kasalukuyang sistema, dalawa lang daw ang ating karapatan: karapatang mag-trabaho, at karapatang magutom kung ayaw magtrabaho. Hindi yan demokrasya. Para magkaroon ng ganap na demokrasya, kailangan mawala ang mga kondisyon na nagpapairal ng dalawang ‘karapatan’ na iyan.

__________________________________________________________________________________

Paano tayo lalaban?

Kung babalikan natin yung kanina, malinaw at hindi na dapat nakapagtataka ito. Si Cory ay tao lamang. Isang indibidwal. Gaano man siya ka-charismatic, iisa lang siya. At nalimitahan pa siya sa uring pinagmulan niya: ang uring panginoong maylupa. Nalimitahan rin siya na pumailalim siya sa parehong sistema o framework: yung framework kung saan lahat ay pinamumunuan ng mga interes ng U.S, at ng mga lokal na mga landlords at mga political dyansty.

Yung mamamayan, na ang partisipasyon ang ginamit ni Cory na batayan kung “itutuloy ang laban”, ang susi. Yung mamamayan na bumuhos sa lansangan kanina at naglakad sa abot ng kanilang makakaya. Yung manggagawa na sama-samang nagwewelga para makamit ang mga kahilingan mula sa management. Yung magsasaka na sama-samang binabawi yung lupa ng mga landlords. Yung kabataan na sama-samang nag-wawalkout laban sa pagtaas ng matrikula at iba pang maling polisiya. Yung mamamayan na kung kumilos ng milyon-milyon ay walang hindi kayang makamit. Yun ung susi.

Kaya, tuloy ang laban.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s