UP for Gibo

Kamakailan lang ay nagkaroon ay naglunsad ng isang mock elections ang UP Manila Political Science Program kung saan lumahok ang mga estudyante, guro, at mga kawani ng UP Manila College of Arts and Sciences. Marami ang natuwa, tulad ko, sa resulta sa partylist: mahigit kalahati ng mga boto ay para sa Kabataan, at nasa top five rin ang mga iba pang progresibong partylist tulad ng Gabriela, Bayan

Muna, ACT Teachers, at kahit Anakpawis!

(nakakatuwa na mas mataas pa nga ang nakuha ng Anakpawis na boto kumpara sa isang manlilinlang na partylist na nagsisimula rin sa letter “A”)

Hindi na rin masama ang resulta sa senatoriable

s: pang-5th at 6th ang mga makabayang sila

Liza Maza at Satur Ocampo. Yun nga lang, pang-10th yung kandidato dun sa manlilinlang na partylist, habang 12th naman ang anak ng diktador Ferdinand Marcos.

Ngunit ang ikinagulat at ikinadismaya ng marami ay ang resulta ng mga presidentiables: nanguna si Gilbert Teodoro (93 votes) habang ang mga survey leaders na sila Manny Villar at Noynoy Aquino ay nakakuha ng 83 at 80.

Sa isang banda, ito ay tunay na nakakadismaya. Para sa marami, ang Gibo Presidency ay katumbas ng pagpapatuloy sa panunungkulan ni Gloria Arroyo. Bagama’t pinapalabas niya sa mga nakaraang pahayag niya na siya ay independent kay Arroyo, hindi dapat natin makalimutan ang isa sa mga unang pahayag niya nung i-anunsiyo niya ang pagtakbo niya: hindi niya aktibong isusulong ang pagsasampa ng mga kaso laban kay Gloria.

Bukod dito, sinabi niya rin na itutuloy niya ang marami sa mga hindi-magandang mga patakaran at polisiya ni Arroyo: pagpapalaki at pagpapalakas sa AFP (notorious sa paglabag sa karapatang panta

o), pagpapapasok sa mga U.S troops (tulad ni Daniel Smith), at mas pagbukas ng ating ekonomiya sa mga dayuhang korporasyon (tulad ng Lafayette Mining at Marcopper).

Ayon nga sa batikang blogger na si Teo Marasigan, sa pagtutol sa pagpapatuloy ng panunungkulan ni Gloria nagkakaisa ang mga iba’t-ibang pulitikal na grupo sa bansa tulad ng Kaliwa, mga progresibo-kuno, maka-Villar, maka-Noynoy, taga-sunod ni Bro. Eddie, Simbahang Katoliko, atbp. Sa Marxistang kasabihan na “widest unity against the narrowest target”, si Gibo at Gloria ang target.

Ito rin ay nakapagtataka: binabasag nito ang tingin ng publiko sa Unibersidad ng Pilipinas. Mula ng Dekada Sitenta, may imahen na ang UP bilang hotbed of nationalism sa dami ng mga nailuwal nito na mga aktibista. Kahit sa panahon ni Arroyo, maraming mga estudyante ng UP ang lumahok sa mga kilos-protesta laban sa kanya.

Ang kinabahala nga ng kapatid ko, dahil mataas ang tingin ng publiko sa mga taga-UP, iisipin nila na OK iboto si Gibo.

Pero sa isang banda, hindi ito nakapagtataka. Lalo pa’t kung susuriin natin ang kasaysayan at oryentasyon ng UP.

Ang UP ay itinatag ng mga Amerikano sa unang dekada ng ika-20 siglo. Sa panahong ito nagtayo ang mga Kano ng mga pamantasan na may iba’t-ibang fields of expertise para “sanayin” ang mga Pilipino sa mga larangan na ito: pagtuturo sa Phil. Normal University, komersyo sa Phil. College of Commerce (na ngayon ay PUP), at batas at public administration sa UP.

Malaki ang impluwensya ng mga Kano sa curriculum, pananaw, propesor, at mga estudyante ng UP noon at hanggang ngayon. Halimbawa, noong 2006, ipinagtanggol ng ilang mga propesor at estudyante ang pagtataas ng matrikula sa kadahilanang global trend, o nagaganap sa buong mundo ito. Para bang uso kasi, gayahin natin.

Bukod sa maka-U.S na oryentasyon, hinubog rin ang UP batay sa sikat na porma ng pagtuturo noon (hanggang ngayon, kung tutuusin): ang banking system of education. Sa sistema na ito, tinitignan ang kaalaman bilang monopolyo ng mga guro. Kaya ang mga estudyante ay dapat maging pasibo na parang mga alkansya na papatakan nalang ng guro ng kaalaman. Tinuligsa ang sistema na ito ng sikat na edukador sa Latin Americana si Paulo Freire bilang hiwalay sa realidad ng mga estudyante at walang katuturan sa pang-araw araw na buhay nila.

Kitang-kita ito sa UP: kung ang pag-aaral ay mapunta man sa usapin ng mga isyu at problemang panlipunan, lagi itong tinitignan sa third-person point of view. Walang pagmamalasakit. Kadalasan, nauuwi na lang sa mga estatistika. Pati ang mga tao, emosyon, at pakiramdam ay nauuwi sa mga numero.

Sa ganitong kalagayan ng UP na para bang depinisyon sa diksyonaryo ng ivory tower, hindi nakapagtataka na susuportahan ng marami si Gibo: magaling sa pananalita at pagsagot sa mga fora at debate, maganda at hindi sobra-sobra sa retorika ang mga pahayag, propesyunal ang imaheng binubuo. ‘Di-bale na sa lahat ng kandidato, siya ang may pinaka-proU.S naplataporma. ‘Di-bale na mukhang papatakasin niya si GMA sa mgapananagutan niya sa bayan. ‘Di-bale na kahit isang sundalo ay walang nanagot sa mga paglabag ng AFP sa mga kaparantag pantao.

At sa totoo lang, hindi ito dapat ikadismaya.

Kung titignan sa isang banda, pinapakita pa rin nito na ang mayorya ng mga estudyante (pati mamamayan) ay tutol kay Gibo at sa kanyang nirerepresentang nilalang. Ang kanyang mga nakuhang boto ay hindi pa 1/4 ng lahat ng mga bumoto, bagama’t malaking talon ito mula sa kanyang 4-5% na nakukuha sa mga survey.

Maaari rin itong magsilbing wake-up call sa mga hardcore na taga-suporta nila Noynoy at Villar na idirekta ang pinaka-matindi nilang atake, hindi sa isa’t-isa, kundi sa Rehimeng U.S-Arroyo at sa kandidato nito. May kaunting katotohanan sa mga pahayag ni Gibo: maraming botante ang maaaring lumipat mula sa dalawa papunta sa kanya pag nagpatuloy ang matinding upakan.

Ito rin ay pagpapakita na kahit papaano, tumataas na ang antas ng debate hinggil sa eleksyon. Sa isang panig man lang ng ating lipunan, nababawasan ang mga bumuboto batay sa emosyon at sentimentalism. Ngayon, maaari ng i-presenta ng mga makabayang pwersa ang people’s agenda, o ang pagboto sa isang kandidato batay sa kanyang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. At maaari na uli maglinaw ang mga makabayan na sa darating na halalan, ang #1 na gusto natin ay maalis si Arroyo sa pwesto, panagutin sa kanyang mga krimen, at pigilan na makanumbalik uli.

Kung gayon, ang resulta ng mock elections sa UPM ay panawagan uli sa lahat ng mga makabayan sa Unibersidad ng Pilipinas na pag-ibayuhin ang pag-aaral ng lipunan at pagpapaliwanag sa mga kamag-aral. Lalo pa’t may krisis sa UP hinggil sa kanilang mga demokratikong institusyon, napapatunayan lang na nasa tama ang mga makabayan at nanlilinlang at kontra-estudyante ang mga ibang grupo.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

One Response to UP for Gibo

  1. Lea says:

    AntoN.,tama ka talaga sa mga sinasaBi mO..,HEHEHE.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s