youth on the march

Dalawang magkasunod na weekdays ng nasa top news stories ang mga protesta ng Kabataan. Noong Biyernes, pinag-iitsa ng mga estudyante ng PUP ang mga upuan mula sa ika-2 hanggang ika-6 na palapag, at pagkatapos ay sinunog, bilang protesta sa pagtaas ng matrikula mula P12 papuntang P200 kada yunit. Kasabay nun, sinugod naman ng mga estudyante sa High School ang opisina ng Dept. of Education para iprotesta ang patuloy na hindi pagpapatupad ng anti-‘no permit, no exam’ at no forced graduation fees policies. Kasabay rin nun, nagmartsa ang mga iba pang kabataan papuntang Supreme Court at sinunog ang mga litrato ng mga miyembro ng SC na pinayagan si Gloria Arroyo na mag-appoint ng “Midnight Supreme Court”.

Ngayon naman, ipinakita ang pagsugod ng mga kabataan sa Commission on Higher Education para muling iprotesta ang pagtaas ng matrikula sa PUP. Sa nasabing paaralan mismo, naulit ang pagbabato ng mga upuan at mesa. Ayaw papasukin ang media sa loob ng kampus, kaya mismong ang mga estudyante ang nagwasak sa kandado ng main gate para makapasok ang mga media.

Maganda ang sinabi ni Lourd de Veyra sa kanyang segment sa TV-5, halos isang taon ang nakaraan. Ikinumpara niya ang mga protesta dito sa mga protesta sa Thailand, kung saan ang kotse ng kanilang Prime Minister ay winasak ng mga nag-rarally… habang nasa loob pa ang PM. Ayon kay de Veyra, kung may karapatan mag-wala ang mga Thai, doble o triple ang karapatan nating mga Pilipino. Halimbawa, sa Chile noong 2006, mahigit isang milyong estudyante ang bumuhos sa lansangan ng dalawang buwan. Ang kanilang isyu? Ang pagkakaroon ng free travel passes para sa libreng pagsakay sa mga pampublikong bus. Sa parehong taon, milyon-milyong mga kabataang Pranses ang nag-welga rin dahil sa isang batas na magpapadali na tanggalin sa trabaho ang mga manggagawa.

Kung iisipin, mas malaki ang epekto sa estudyante ng pagtaas ng matrikula (lalo na kung 1700-2000% ito) kumpara sa kawalan ng libreng pamasahe. At mas direkta at immediate ang epekto ng tuition fee increase sa mga estudyante kesa sa isang labor law. Sa ganun palang na isyu, araw-araw ng binoykot ang mga klase, binarikadahan ang mga paaralan, ginawang “liberated areas” ang mga malalaking kalsada, inudyok ang mga manggagawa na mag-welga rin, at nakipag-laban sa mga pulis. E kung tuition fee increase pa kaya? Siguro rebolusyon na ang naganap.

2.

Consistency nga naman. Mga taga-PUP na miyembro ng Akbayan at ng KALIPI (youth arm ng Liberal Party, ang kaalyado ng Akbayan ngayong eleksyon) ay nananawagan sa mga iba pang estudyante na huwag sumama sa mga protesta laban sa Tuition Fee Increase. Kung maaalala natin, mga miyembro rin ng Akbayan ang namuno sa pagpahayag ng suporta sa P300 to P1000 per unit na tuition fee increase sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakapagtataka ba na kahit isang salita hinggil sa nasabing isyu ay hindi marinig mula sa boses ng kanilang presidentiable?

Kung tutuusin, iisang presidentiable pa lang ang nagsalita laban sa TFI. At hindi iyon si Gibo Teodoro, ang sinasabing paborito ng mga kabataang botante at ang lagi daw #1 sa mga mock elections sa mga paaralan. Hindi ako nagtataka dito: tuwing tinatanong si Gibo hinggil sa sistema ng edukasyon sa bansa, lagi niyang sinasagot ang “paghahanap ng creative ways para magkaroon ng budget” ang mga pamantasan. Sa madaling salita, paghahanap ng alternatibo sa budget mula sa gobyerno. Hmm, sounds familiar ba, mga Iskolar ng Bayan ng UP at PUP?

Alam natin lahat na gawain ng mga trapo na ipangako sa atin ang buwan at mga bituwin tuwing eleksyon. Pero bakit hindi ito magawa ngayon ng karamihan sa mga tumatakbo sa pambansang eleksyon? Iisa lang ang presidentiable na kumukundena nito. Walang vice-presidentiable, at kung aalisin sila Satur Ocampo at Liza Maza, wala ring senatoriable. Merong 17 na partylist group na nagsasabing para sa kabataan sila, pero bukod sa KABATAAN, walang nagsasalita hinggil sa isyu na ito.

Sa nag-iisang presidentiable, bagama’t kinundena niya ang pagtaas ng matrikula, wala siyang mabilis at kongkretong tugon para mapigilan ang pagtaas ng matrikula.

3.

Ganito kabulok ang mga pagpipilian natin sa darating na May 10: kahit ipangako lang na tututulan nila ang pagtaas ng matrikula, hindi nila magawa (kaya hindi natin makilatis kung feasible ba ang mga proposals nila, kasi wala!).

Isang naging tugon ng mamamayan ay ang pagpapatakbo ng kanilang mga sariling kandidato: mga kandidato na kilala nila, at nakasama nila sa paglaban para sa kanilang mga karapatan. Sinimulan ito noong 2001 ng tumakbo ang Bayan Muna sa sistemang partylist, at kung saan nailuklok sila Satur Ocampo, Liza Maza, at ang yumaong si Crispin Beltran. Noong 2004, nagluwal ang Bayan Muna ng mas maraming mga partylist: Gabriela Women’s Party, Anakpawis, Kabataan (na noon ay Anak ng Bayan), Migrante Sectoral Party, at Suara Bangsamoro. Ngayong 2010, naidagdag ang Katribu Partylist at ACT Teachers’ Party.

Kung tutuusin, maliit pa nga ang mapapala natin sa partylist. May limit ng 3 representante ang kada partylist (noong 2001, kung walang ganun, 11 daw ang mailuluklok ng Bayan Muna), at hanggang 55 lang na upuan sa Kongreso ang ibibigay sa mga partylist. Halos wala rin silang magagawa kahit na magsama-sama sila, kung tutuusing may 200+ iba pang mga kongresista.

At sa kahit itong limited democratic space, pinagkakait sa atin: mula 2002, sinisiraan ng Armed Forces of the Philippines ang mga progresibong partylist, at tinatakot, sinasaktan, dinudukot, at pinapatay ang mga miyembro nito. Mismong mga representante nila, dinadahas. Halos dalawang taon na inilagay sa hospital arrest si Beltran. Si Ocampo ay hinuli noong 2007. Halos isang taon rin na nakaambang arestuhin ang Batasan 5 (Reps. Ocampo, Casiño, at Virador ng Bayan Muna, Mariano ng Anakpawis, Maza ng Gabriela) dahil sa gawa-gawang kaso. Ngayong taon, napakarami ng mga balita ng pangangampanya ng militar laban sa mga partylist.

4.

Dito lumilitaw ang kahalagahan ng mas marami, mas malaki, at mas daring na mga protesta: o sa madaling salita, isang mass movement.

Pinaka-una, kailangan ng mass movement para mailuklok ang iilang mga kandidato na makakasiguro tayong ipagtatanggol tayo: sila Satur Ocampo at Liza Maza sa Senado; KABATAAN, Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Katribu, at ACT sa Kongreso. Kailangan ng pinaka-maraming bilang ng boboto, magpapaboto, at babantayan ang boto. Sigurado, gagawin ng AFP ang lahat para hindi matuloy ang bangungot ng mga trapo: 18 na makabayang kongresista at 2 makabayang senador.

Pangalawa, kailangan ng mass movement para maipagtagumpay ang mga laban natin ngayon: matigil ang pagtaas ng matrikula, at matigil ang pananatili ni Gloria Arroyo lagpas June 2010. Marami ang may maling pananaw na sa oras na maihalal natin ang mga makabayang mambabatas natin, sila na ang gagawa ng lahat. Mali. Sa karanasan ko bilang staffer ng KABATAAN Partylist, nakita ko na ang bawat tagumpay nito ay dahil sa napakaraming kumikilos at tumutulak nito. Kung wala ang mass movement na sumusuporta, walang magagawa. Halimbawa nalang ang mga ipinagmamalaki na mga polisiyang anti-‘no permit, no exam’ at no forced graduation fees: sa totoo lang, maraming paaralan ang lumalabag pa rin dito. Kinakailangan na habang isinasampa ng KABATAAN ang mga kaso sa CHED at napapa-press conference, kailangan ang mga estudyante at magulang mismo ay nag-iingay at kinakalampag ang mga paaralan.

Winawagayway ng isang estudyanteng European ang bandilang pulang may tatak na REBOLUSYON sa isang protesta sa Mariahilferstrasse Vienna, Austria, March 11,2010 (Student Movement against European Education Reform Rally) Kontribusyon ni: Karl Weber

5.

Pero kung mass movement na rin ang paguusapan, mapupunta rin tayo sa sinabi kong maaaring mangyari kung tuition fee increase ang isyu sa France o Chile: rebolusyon. At bakit hindi? Sabi nga ni Lourd (de Veyra), You can’t make an omelette without breaking a few eggs. Sabi naman ng isa sa mga paborito kong pilosopo na si John Locke, kung hindi magagarantiya ng gobyerno ang karapatan ng mamamayan, ang mamamayan ay may karapatang patalsikin ito. Pagsusunog ng upuan? Kulang pa ito.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to youth on the march

  1. kapirasongkritika says:

    Oo nga. Congrats sa palaging laman ng balita!

    “You can’t make an omelette without breaking a few eggs.” Hindi ba’t si Mao ang orihinal niyan? O mas “kewl” lang i-quote si Lourd de Veyra? Hehe.

    • radulce says:

      Teo, hindi naman ganun lang ang rason. Haha. Hindi ko kasi alam na kay Mao attributable yun. Akala ko nahugot yan sa Aesop’s fables.

      Pero kung kay Mao nga yan, e di yet isa nanamang quote ni Mao na binabanggit ni de Veyra. May pagka-mahilig rin siya dun ano?

      • kapirasongkritika says:

        Ay, oo nga. Mali nga ang pahayag ko.

        Congratulations sa mga militanteng pagkilos! Congratulations sa matapang na pagsusulong ng interes ng mga estudyante!

        Sa tindi talaga ng mga nagaganap ngayon, talagang hindi sasapat ang mahinahong mga porma ng pagkilos! Hehe.

        Malayong sekundarya ang tagumpay na lumabas sa midya. Ang mahalaga ay ang maipaglaban ang interes ng mga estudyante nang kasama sila. Hehe.

        Hindi ko gaanong nababasa si de Veyra, though feeling ko, hindi malayo sa kanya ang gawin ang ganyan.

        Kailan ang post mo tungkol sa pagbato ng pintura sa Chancellor ng UP Los Banos na pumayag na ang OSA ng campus ay militar? Hehe.

  2. grace says:

    korek. kaso dahil sira na ang mga upuan at tables mula sa pagkakahagis at pagkasunog, sisingilin pa sa mga estudyante ang pagbili ng mga bagong gamit sa pasukan. naku, dagdag singil pa.

    • radulce says:

      Oo, sa ganyan talaga babagsak ang usapan kung talagang tuso ang Administration. Kahit sa wording pa lang, mapapansin na ang mentality. Imbes na sabihing “sayang ang taxpayers’ money”, sasabihin ay “dagdag-bayarin para sa mga estudyante”.

  3. sa isang silip na iknilos ng pup ys mukhang marahas ang naging tugon nito ng pagtuttol sa TOFI, subalit kung lilimiin sino nga ba ang tunay na marahas , ang mga YS na naghagis ng bulok at sirang mesa o ang admin. ng PUP na walang pasubali at sunod sunaran sa pagkomersyal ng Edukasyon . sa pagsusuri walang duda na marahas ang pagpataw ng tofi sapagkat hindi ito simpleng usapin ng dagdag pasanin sa pamilya.
    ito ay usapin ng lhitimong karapatan ng bawat kabataan na nais makatuntong sa isang de kalidad at abot kayang edukasyon na dapat sana ay syang pangunahing pinagtutuunan ng pondo, subalit taliwas ito sa dapat mangyari . natatandaan ko pa 1983 assesor ako P20/unit noon tapos naging p50 tapos p150 at p300 at ngayon p1000 to p1500/unit na at sabi ng komersyal ng banko ( interest ng interest) may mga nagprotesta pero iilan at ang pinakamaximum na nagawa ay tatakan ang form 5 ng under protest , may lumapit sa akin na kung puedi itigil ang pag asses. ang sagot ko kung kahit 1/4 lamang ng nakapila sa harap ko ay magsasabi ng ganyan walang duda na tatalima ako at umalis ang YS, magmula noon tuloy tuloy na ang TOFI, PAPAANO KAYA sa susunod???

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s