Yun ang aral ng August 19

Originally posted in Facebook on August 21, 2009.
courtesy of Danny Boy Pata

A member of the Presidential Security Group kicks a protester in the face even after he is subdued

Tama lang daw ang kahayupan na ginawa ng PNP at PSG sa ating mga kabataan noong Aug. 19. May ibang nagsasabi, banta daw tayo. Yung iba naman, tulad ng spokesperson ng Palasyo na si Anthony Golez, nakakabastos daw iyong ginawa natin kay Gloria.

courtesy of Alanah Torralba

the placards read:

“PGMA: Most Lavish Most Hated President”

“Budget sa Serbisyo, Hindi sa Luho”

Dun sa una, pinapalabas na tayo ay pisikal na banta sa seguridad ni Gloria. Pero paano? Malalakas nga boses natin sa pag-sigaw ng mga slogan, pero hindi naman siguro posible ang “patayin sa sindak” si Gloria. At wala pa namang namamatay sa pagkahampas ng mga placard na gawa sa papel at kartolina. Kung tutuusin, wala nga si Gloria sa Palasyo sa araw na iyon.

Sa pangalawa naman, simbolikal ang ating banta kay Gloria. Siya daw ang pinaka-mataas na opisyal ng ating gobyerno, kaya meron daw siyang kaakibat na dignidad at antas ng respeto na tinatanggap niya. Pero may gumagalang pa ba sa kanya? Kagalang-galang ba ang mga pinag-gagagawa niya?

Pansinin na hindi “libel” o “slander” o “defamation” ang binabanggit ni Golez. Mahalagang punto ito. Ibig sabihin, hindi nila masabi na kasinungalingan ang mga sigaw natin ng “Pamilya Arroyo, Sindikato”, at ang mga nakasulat na “Gloria: Most Lavish Most Hated President”. Magaling man magsinungaling sila Gloria, may mga mahirap ring pagtakpan dahil sa sobrang laki.

Punta muna tayo sa ilang mga mahalagang termino: karapatan, panunupil, “state terror”, at pasismo.

Ano ang karapatan? Iyon ay mga bagay na hindi pwedeng ipagkait sa mga tao, at kahit sa mga hayop ayon sa ibang mga grupo. May isa ngang dokumento tungkol dun, ang “Universal Declaration of Human Rights”. O, “universal”. Ibig sabihin, kahit nasa Mars o Pluto ka, may karapatan ka pa rin. Kahit hindi mo kasing seksi si Heidi Klum o kasing pogi ni Johnny Depp.

Pag iyong mga karapatan mo ay pinagkait sa iyo, lalo na sa marahas na paraan, panunupil iyon. Halimbawa, maingay at nagbibigay-hiya kay Gloria ang rally. Pero hindi nananakit ang mga nasa rally. “Peaceful” ang tawag dun. Pasok sa terminong “right to peaceful assembly”. Pag pinigilan kang gamitin ang karapatan na ito, panunupil iyon.

League of Filipino Students, 2006
At pag ginagawa iyon ng gobyerno para takutin ang mamamayan sa pag-tuligsa at pag-kwestyon sa kanya, ang tawag dun “state terror”. Ang alam kasi natin lagi, ang mga terorista ay mga nagpapasabog ng eroplano. Pero kung susundan lang ang depinisyon ng “terrorist”, bilang naghahasik ng takot sa puso ng mga tao, ang gobyerno rin ay nagiging “terrorist”.

BAYAN, 2006
At pag ang “state terror” na ito ay nilulunsad para mapanatili ng gobyerno ang sarili sa pwesto, pasismo na ang tawag dun. Parang si Hitler ng Nazi Germany. O si Mussolini ng Fascist Italy. O si Franco ng Spain. Marcos ng Pilipinas. Bawal mag-rally, bawal mag-unyon, ang umangal dinadampot, tinotorture, at pinapatay.

Ang nakatira lamang sa ilalim ng bato ang makakapagsabi na walang “state terror” o pasismo ngayon sa bansa. Pag sinabi mo kasi iyon, parang sinasabi mo na wala yung mahigit-isang libo na pinatay na mga kritiko ni Gloria sa loob ng walong taon, at yung dalawang daan na dinukot at nawawala hanggang ngayon. Parang sinabi mo na hindi nangyari ang madugong masaker sa Hacienda Luisita, ang pag-aaresto kay Ka Bel at Satur Ocampo, at ang pag-deklara ng “emergency rule” noong 2006.

At dito ang “symbolic threat” ay nagiging aktwal na banta. Sa gitna ng pasismo ni Gloria, may nangahas pa rin magprotesta, hindi sa kung saan-saan lang, kundi sa mismong puso ng kaaway.

Kahit na tila nasa pulis at militar ang lahat ng mga sandata, nakapasok tayo.

courtesy of Junie Doctor

a member of the Presidential Security Group in the process of pointing his automatic rifle at unarmed protesters

Hinarangan tayo ng mga mas malaki sa atin, tinutukan pa tayo ng baril. Pero nakaabante tayo. Magkadikit lang tayo at sabay-sabay naglakad. Hinawi natin mga kamay nila at nung nagkabanggaan mga katawan natin sa kanila, napilitan silang umatras o tumabi dahil sa mas marami tayo na parang isang “tsunami”.

Sa una at huling pagkakataon, sumasangayon ako sa mga pulis. Banta tayo. Banta tayo dahil sa oras na ang mamamayan ay maunawaaan ang matagal na nating naunawaan, tapos na ang oras para kay Gloria. Sa oras na makita nila na ang sama-samang pagkilos ay parang literal na agos, walang batuta, suntok, baril, sipa, o barbed wire, na makakapigil sa atin.

At para sa akin, yung ang aral ng August 19.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s